Bakit iniwan ni Nora at iba pang artista si Erap?
January 23, 2001 | 12:00am
Magsisimula na tomorrow, Wednesday ang shooting ng bagong movie nina Aga Muhlach and Regine Velasquez under Viva Films. Wala pang title ang nasabing project.
Kapwa excited ang dalawa sa nasabing pelikula dahil nag-hit ang first movie nila, Dahil May Isang Ikaw.
Ipalalabas ang nasabing pelikula before the wedding of Aga and Charlene Gonzales. Pero mas mauunang mapapanood ang movie nina Aga at Joyce Jimenez. Naka-schedule itong i-release ng Star Cinema next month.
Baka raw hindi na matuloy o matagalan bago maipalabas ang movie ni Phillip Salvador under Millennium Cinema dahil sa nangyari sa pamilya ni San Juan Mayor Jinggoy Estrada. Ayon sa isang informant, magi-start na sana sila ng promo para sa nasabing pelikula ni Ipe with Ina Raymundo, pero nag-resign nga si Joseph Estrada at bago pa man ‘yun ay isinara na ang Millennium Cinema.
Maging ang career ni Mylene Dizon ay hindi rin alam kung ano ang magiging kinabukasan dahil malamang na mawala na rin ang Crown Seven Ventures ni Jesse Ejercito. Hindi pa naman gaanong kumita ang launching movie niyang Gatas: Sa Dibdib ng mga Kaaway. May kontrata si Mylene sa Crown Seven for two years.
Ganito rin siguro ang magiging problema ng career ni Janna Victoria after Lagarista dahil sa Crown Seven din siya naka-kontrata.
Maging ang movie nina Jinggoy at Judy Ann Santos titled Peksman, Walang Iwanan ay maraming nagtatanong kung maipapalabas pa ba.
Hindi naman siguro lahat ng nag-join sa Edsa rally ay may ambisyong pumasok sa pulitika. Most probably, kaya sila nagpakita ng galit kay Erap ay dahil wala silang nakitang suporta sa dating pangulo.
Base sa observation sa ilang showbiz insider, imbes na tumulong si Erap sa naghihikahos na industriya ng pelikula, nakipag-compete pa sila sa pamamagitan ng Millennium Cinema. "Wala namang masama sa ginawa nila Mayor Jinggoy, pero malalaking artista lang naman talaga ang natulungan nila. Sana tumulong man lang sila para mabawasan ang tax ng mga pelikula, " comment ng isang showbiz insider.
Anyway, sa mga artistang nag-deffect kay Erap, si Vilma Santos ang nauna. Nobyembre pa lang ay nagsalita na ang star for all seasons at Megastar Sharon Cuneta - na wala na silang kumpiyansa sa pangulo at sumusuporta sila sa pagri-resign nito. Pero mas maraming nagulat nang ang superstar, Nora Aunor ang mag-deffect. Actually, nakatulong ang pagbaliktad ni Nora sa madaliang pag-alis ni Erap sa Malacañang.
Ayon sa isang kaibigan ni Nora, bago pa man nag-deffect si Ate Guy, malaki na talaga ang galit niya kay Erap noon pa mang nangangampanya sila. "Hindi lang siya makatanggi noon kay Erap na mag-campaign. Pero talagang ayaw niya. Would you believe na sa sasakyan ng security ni Erap sumasakay ‘yan si Ate Guy everytime na may kampanya sila? After he won, hindi na sila nag-usap," Ate Guy’s personal friend reveals.
‘Yun namang tungkol sa sinasabing pagtubos ni Erap sa nakasanlang bahay noon ni Guy, si Danding Cojuangco raw ang nag-redeem ng nasabing bahay, na kaibigan ni Erap at hindi talaga siya (Erap). "Hindi libre ‘yun. Ang naging bayad ni Guy kay Danding, lahat ng corporate affair ng San Miguel, kumakanta siya ng libre. Nagsusumbong si Ate Guy tungkol d’yan, pero wala kaming magawa," the source adds.
Anyway, si Bong Revilla na bestfriend ni Jinggoy Estrada ay kasama si Lani Mercado nang magsalita sa Edsa. Ayon sa isang source ng Baby Talk, sina Prof. Winnie Monsod at Oscar Orbos ang naging deciding factor ng mag-asawa para magpunta ng Edsa.
Si Makati Vice Mayor Edu Manzano ay nagsalita rin sa offer ni Erap noon na P50 M para lang mag-back out siya sa planong pagtakbo bilang kalaban ni Binay sa Makati. Hindi ‘yun tinanggap ni Edu dahil ayon sa kanya ay hindi niya maatim na tumanggap ng ganoong kalaking halaga ng hindi niya alam kung saan nanggaling.
Of course si Gary Valenciano ay matagal nang hindi pabor sa nangyayari sa ating pamahalaan kaya nakiisa rin siya sa Edsa. Si Dina Bonnevie ay very open sa kanyang sentiments kaya join din siya sa anti-Erap rally. Si Martin Nievera ay nag-perform din sa Edsa. Ang APO Hiking Society ay matagal ding hinintay ang Edsa 2 para ipakita ang kanilang galit kay Erap.
Si Rosanna Roces, hindi pa man nananalo si Erap, ay galit na kaya naman sa second day ng rally ay nasa Edsa na siya. Actually, nangampanya si Rosanna noon na ‘wag iboto si Erap bilang pangulo. Naging malaking issue noon ‘yun dahil mabangong-mabango siya noon.
Si Aiko Melendez ay halos mawalan ng boses dahil ilang araw din siyang nagbabad sa Edsa.
Maging sina Marvin Agustin at Piolo Pascual ay nanindigan na rin na makiisa sa rally para patalsikin si Pangulong Estrada. Malamang na malaki ang impluwensiya nina Direk Laurice Guillen at Johnny Delgado sa naging desisyon nila dahil pareho silang kasama sa Dekada ’70 na kasalukuyang sino-shooting ni Direk Laurice bilang follow-up sa Tanging Yaman.
Maging si Perla Bautista ay join din sa anti-Erap rally. Common knowledge naman na isa sa mga greatest love ni Erap si Perla.
Bago nagtagumpay ang People Power 2 last Saturday, nakita doon sila Pops Fernandez, Rica Peralejo, Gelli de Belen, Ariel Rivera, Roderick Paulate at marami pang iba.
Kung sure winner ang mga artistang nagpakita sa Edsa (People Power 2) sa darating na election, paano na naman ‘yung ibang hanggang sa huling sandali ay nanatili sa tabi ni Erap? Kabilang dito sina Phillip Salvador at Rudy Fernandez. May puwang pa kaya sila sa kani-kanilang kababayan?
At ang ambisyon nina Gary Estrada at JR Ejercito sa pulitika, tatakbo pa kaya sila?
Ask Rufa Mae Quinto what her biggest assets, without batting an sexy eyelash, sasabihin niya sa inyo with her blunt frankness and unadulterated honesty: "My boobs and my talents. My boobs are attached to a sexy, beautiful body, and my talent is not limited to doing sexy roles, but any kind of role, puwedeng comedy, puwedeng drama, action at puwede ring musical dahil singer na ako at may album na," she confidently says.
Nang magsimula sa showbiz ang sexy actress, may mga nag-predict na hindi siya sisikat at magtatagal - hanggang pagpapa-sexy lang daw ang gagawin niya. Pero hindi nangyari ‘yun like what happened to dozens and dozens of bold wannabes.
Ang pagiging versatile ni Rufa Mae ang naging daan para lalo pa siyang makilala at sumikat. Although kino-consider na asset ang kanyang katawan, but she’s now seen as one of the industry’s most talented actresses. "I have an award to prove it," she says referring to her best supporting actress by the Star Awards for Movies para sa kanyang performance sa Dahil May Isang Ikaw and best comedy actress by the Golden Dove Awards para sa kanyang hilarious role sa Ispup. "At least mayroon na akong napatunayan," she adds.
Kapwa excited ang dalawa sa nasabing pelikula dahil nag-hit ang first movie nila, Dahil May Isang Ikaw.
Ipalalabas ang nasabing pelikula before the wedding of Aga and Charlene Gonzales. Pero mas mauunang mapapanood ang movie nina Aga at Joyce Jimenez. Naka-schedule itong i-release ng Star Cinema next month.
Maging ang career ni Mylene Dizon ay hindi rin alam kung ano ang magiging kinabukasan dahil malamang na mawala na rin ang Crown Seven Ventures ni Jesse Ejercito. Hindi pa naman gaanong kumita ang launching movie niyang Gatas: Sa Dibdib ng mga Kaaway. May kontrata si Mylene sa Crown Seven for two years.
Ganito rin siguro ang magiging problema ng career ni Janna Victoria after Lagarista dahil sa Crown Seven din siya naka-kontrata.
Maging ang movie nina Jinggoy at Judy Ann Santos titled Peksman, Walang Iwanan ay maraming nagtatanong kung maipapalabas pa ba.
Base sa observation sa ilang showbiz insider, imbes na tumulong si Erap sa naghihikahos na industriya ng pelikula, nakipag-compete pa sila sa pamamagitan ng Millennium Cinema. "Wala namang masama sa ginawa nila Mayor Jinggoy, pero malalaking artista lang naman talaga ang natulungan nila. Sana tumulong man lang sila para mabawasan ang tax ng mga pelikula, " comment ng isang showbiz insider.
Anyway, sa mga artistang nag-deffect kay Erap, si Vilma Santos ang nauna. Nobyembre pa lang ay nagsalita na ang star for all seasons at Megastar Sharon Cuneta - na wala na silang kumpiyansa sa pangulo at sumusuporta sila sa pagri-resign nito. Pero mas maraming nagulat nang ang superstar, Nora Aunor ang mag-deffect. Actually, nakatulong ang pagbaliktad ni Nora sa madaliang pag-alis ni Erap sa Malacañang.
Ayon sa isang kaibigan ni Nora, bago pa man nag-deffect si Ate Guy, malaki na talaga ang galit niya kay Erap noon pa mang nangangampanya sila. "Hindi lang siya makatanggi noon kay Erap na mag-campaign. Pero talagang ayaw niya. Would you believe na sa sasakyan ng security ni Erap sumasakay ‘yan si Ate Guy everytime na may kampanya sila? After he won, hindi na sila nag-usap," Ate Guy’s personal friend reveals.
‘Yun namang tungkol sa sinasabing pagtubos ni Erap sa nakasanlang bahay noon ni Guy, si Danding Cojuangco raw ang nag-redeem ng nasabing bahay, na kaibigan ni Erap at hindi talaga siya (Erap). "Hindi libre ‘yun. Ang naging bayad ni Guy kay Danding, lahat ng corporate affair ng San Miguel, kumakanta siya ng libre. Nagsusumbong si Ate Guy tungkol d’yan, pero wala kaming magawa," the source adds.
Anyway, si Bong Revilla na bestfriend ni Jinggoy Estrada ay kasama si Lani Mercado nang magsalita sa Edsa. Ayon sa isang source ng Baby Talk, sina Prof. Winnie Monsod at Oscar Orbos ang naging deciding factor ng mag-asawa para magpunta ng Edsa.
Si Makati Vice Mayor Edu Manzano ay nagsalita rin sa offer ni Erap noon na P50 M para lang mag-back out siya sa planong pagtakbo bilang kalaban ni Binay sa Makati. Hindi ‘yun tinanggap ni Edu dahil ayon sa kanya ay hindi niya maatim na tumanggap ng ganoong kalaking halaga ng hindi niya alam kung saan nanggaling.
Of course si Gary Valenciano ay matagal nang hindi pabor sa nangyayari sa ating pamahalaan kaya nakiisa rin siya sa Edsa. Si Dina Bonnevie ay very open sa kanyang sentiments kaya join din siya sa anti-Erap rally. Si Martin Nievera ay nag-perform din sa Edsa. Ang APO Hiking Society ay matagal ding hinintay ang Edsa 2 para ipakita ang kanilang galit kay Erap.
Si Rosanna Roces, hindi pa man nananalo si Erap, ay galit na kaya naman sa second day ng rally ay nasa Edsa na siya. Actually, nangampanya si Rosanna noon na ‘wag iboto si Erap bilang pangulo. Naging malaking issue noon ‘yun dahil mabangong-mabango siya noon.
Si Aiko Melendez ay halos mawalan ng boses dahil ilang araw din siyang nagbabad sa Edsa.
Maging sina Marvin Agustin at Piolo Pascual ay nanindigan na rin na makiisa sa rally para patalsikin si Pangulong Estrada. Malamang na malaki ang impluwensiya nina Direk Laurice Guillen at Johnny Delgado sa naging desisyon nila dahil pareho silang kasama sa Dekada ’70 na kasalukuyang sino-shooting ni Direk Laurice bilang follow-up sa Tanging Yaman.
Maging si Perla Bautista ay join din sa anti-Erap rally. Common knowledge naman na isa sa mga greatest love ni Erap si Perla.
Bago nagtagumpay ang People Power 2 last Saturday, nakita doon sila Pops Fernandez, Rica Peralejo, Gelli de Belen, Ariel Rivera, Roderick Paulate at marami pang iba.
At ang ambisyon nina Gary Estrada at JR Ejercito sa pulitika, tatakbo pa kaya sila?
Nang magsimula sa showbiz ang sexy actress, may mga nag-predict na hindi siya sisikat at magtatagal - hanggang pagpapa-sexy lang daw ang gagawin niya. Pero hindi nangyari ‘yun like what happened to dozens and dozens of bold wannabes.
Ang pagiging versatile ni Rufa Mae ang naging daan para lalo pa siyang makilala at sumikat. Although kino-consider na asset ang kanyang katawan, but she’s now seen as one of the industry’s most talented actresses. "I have an award to prove it," she says referring to her best supporting actress by the Star Awards for Movies para sa kanyang performance sa Dahil May Isang Ikaw and best comedy actress by the Golden Dove Awards para sa kanyang hilarious role sa Ispup. "At least mayroon na akong napatunayan," she adds.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended