Ana, nasa 'Kasangga' pa rin

Dahil sa mga pangyayari na nagpababa kay Joseph Estrada bilang pangulo ng bansa, naging irregular ang palabas sa TV. Kaya naman ngayong Martes matutuloy na ang paglabas ng Kasangga ang episode na "Misis Huli sa Akto" na pinangungunahan ni Ana Capri.

Makakasama ni Ana sa nasabing episode si Anton Bernardo.

Ang episode na ito ay base sa tunay na pangyayari na naganap sa isang probinsiya. Nahuli ng mister si misis ng hindi inaasahan na nauwi sa patayan.

Ang Kasangga ay mapapanood every Tuesday, 9:00-10:30 pm over GMA 7.

Show comments