Ina, Priscilla, huhubaran ng Dyna!

Ibinabalita ni Howard G. Dy, managing director at CEO ng Dyna Music na pambungad na pambato ng only surviving pioneer music, recording and distribution company sa Pilipinas sa Taon ng Metal na Ahas sina Ina Raymundo ("Touch Me Where It’s Hot") at Priscilla Almeda ("Ang Sarap, Sarap").

Hot na hot ang dalawang big screen sex goddesses na ipakikita sa madla na hindi lang sila basta pretty faces at heavenly bodies na dapat ilusyunin.

Higit na kapanta-pantasya, sabi pa ng mga premyadong Dyna Music record producers nilang sina Cesar "Boyet" Manahan, Eric Claridades at Norman de Ocampo, kapag sina Priscilla at Ina ay "buong lambing nang nagsasayaw at may pagiling-giling pang nagsisiawit ng mga awiting kaakit-akit."

Nakatakdang hubarin nina Ina at Priscilla sa pagkanta, dagdag pa ni Dy, hindi ang kanilang saplot sa katawan, kundi ang kanilang isip, puso at kaluluwa. They are set to bare the essentials of their very own heart, mind and soul even more! Para naman mapangiti at mapaligaya kahit sandali ang bansang hindi mapakali sa pighati at pag-aatubili.

Nagkaisa ng pananaw ang mga lover boy-musicians na sina De Ocampo, Claridades at Manahan, pati na inner circle of great Filipino composer– and arranger friends nilang umaasiste sa mga patrabaho ng Dyna Music, na mapapantayan kung hindi man mahihigitan ng dalawang diyosa ang record nila bilang sexy actresses sa pagiging music stars.

Ang SMB ‘Sabado Nights’ girl na naging Madame X bago siya maging Burlesk Queen Ngayon na si Ina, "manganganak na" ng mga "mas kikay" na awitin, record sa pop chart, shows, concerts at papuri. "Bale tuhug-tuhog na yon," ani Dondon Monteverde, manedyer ni Ms. Raymundo.

Si dating That’s girl na ang skin ay mala-‘Sutla’ kung kaya siya’y naging Syota Ng Bayan (SNB) at internet star na si Priscilla, lalong magpapakilig hindi lang sa mga boys-men-to-mice sa pagsi-sing-and-dance. Hahatakin din daw nila ng manedyer niyang si Nestor Cuartero ang hilig-music ng mga bagets, pars at matronix para mai-transform silang lahat into party-hopping "cool chicks."

Samantala, ibinabalita rin ni Howard Dy na malapit nang dumating sa Maynila ang Australian dyn’mite na si Ms. Sunny Koll ("Velvet Smile" ng Cannon Music), at makikipagsabayan din ito kina Priscilla at Ina ng paglaladlad ng kanyang "Deep Inside" sa madlang pipol.

Ngayong taon ding ito aniya magpapakitang-gilas bilang Dyna Music recording artist ang alaga ni Lolit Solis na si Daisy Reyes, sorpresang hunk at sex goddess. Noong 2000, inilunsad sina "senti queen" Cindy Rosas (dating Bem Rosas) at "barakong jukebox-videoke king" Aldoe Rubee ("Minsan Ko Pang Hinagkan") sa pamamagitan ng selftitled albums nilang may choice cuts na "Sumisigaw" at "Magbalik Ka Sa Akin," respectively. Sa ikalawang bahagi ng 2001, May Davao City duet pang Vanel & Rico na ipakikilala ang Dyna Music; gayundin ang musika ng dating Second Wind na si Rodel Gonzales.

Show comments