Kapag nabuntis ang gf, saka niya pakakasalan
January 19, 2001 | 12:00am
Inaasahan sana ni Ronald Gan Ledesma na maipapasok sa nakaraang Metro Manila Film Festival ang pelikula niya sa MMG, Hindi Sisiw ang Kalaban Mo pero hindi nga ito nakapasok. Di kaya "sisiw" nga kasi ang tingin ng screening committee rito?
"Wala akong magagawa kung ganun ang tingin nila, pero, talagang nalungkot ako sa hindi pagkakapasok nito sa kabila ng katotohanang magaling na action film ito dahil dalawang nagbibidang action stars pa nga ang kalaban ko rito, sina Zoren Legaspi at Roi Vinzon," sabi ng aktor sa Lunchbreak noong Martes.
"Pero siguro, blessing in disguise na rin yung January 31 ang playdate namin, kasi, noong filmfest, humina ang mga pelikula dahil nagkaroon ng bombings, natakot ang mga tao, hindi muna sila nagpunta ng malls," patuloy niya.
Para kay Ronald, importanteng pelikula para sa kanya ang Sisiw dahil ibang klaseng fight scenes sa dalawang big stars ang ginamit niya rito.
"Ang dami ngang nagtatanong sa akin kung paano napapayag sina Zoren at Roi na kumontra sa akin eh sa totoo lang, mas kilala sila at big stars kaysa sa akin.
Pero, nandun nga yung magiging interest ng tao para panoorin yung pelikula, dahil una nga, mas matatangkad sila sa akin."
Hinihilera ni Ronald ang sarili sa hindi matatangkad na action stars ng pelikulang Pinoy gaya nina Rey Malonzo, Raymart Santiago at Jeric Raval. "Pero mas matindi yung mga international action stars na halos kasing tangkad ko lang, gaya nina Bruce Lee, Jet Li at si Jacky Chan na sabi ng marami eh kahawig ko raw!" pagbibida niya.
Dalawa pang pelikula sa 2001 ang nakatakdang ipalabas na bida si Ronald, ang Japino, isang international movie kasama si Gin Suzuki at Panabla katambal si Hanna Villame. Totoo bang nasa plano niya this year na pakasalan ang girlfriend niyang si Hanna? Ano ang gagawin niya kung sakaling pareho silang hindi makapagpigil? "Hindi ko pa plano na magpakasal this year dahil naka-concentrate nga akong mabuti sa acting career ko, ganun din siya, may singing career pa siya, ang dami niyang shows ngayon. Kung mabuntis ko siya, halimbawa, doon na namin pag-uusapan yung kasal. Pero maingat kaming pareho. May mangyari man o wala bago kasal, siya pa rin ang tanging babae na pakakasalan ko."
Totoo bang tutol si Hanna na magkaroon ng love scenes si Ronald kay Rita Magdalena dito sa Sisiw? "Hindi naman nakikialam si Hanna sa kahit sinong leading lady ko. Nagkataon lang na talagang wala kaming love scenes dito ni Rita. Puro drama lang si Rita rito, kasi, gusto na niyang makilala bilang dramatic actress, comeback picture niya kasi ito, eh."
Ibang-iba na nga si Ronald kung makipagtsikahan sa press. Nakatulong yung daily exposure niya sa Lunchbreak. "Dati kasi, mahiyain talaga ako, mailap," pagtatapat niya. Eh bakit naman siya naging ganun? May kinalaman ba ang isang mapait na karanasan?
"Madalas akong paluin ng Daddy ko nung maliit pa ako. Hinihigpitan niya ako, kasi, ako lang ang lalake sa apat na magkakapatid. Sobrang higpit niya talaga! Pag nahuli niya akong tumakas, paluluhurin niya ako sa asin, hubo’t hubad at papaluin niya ako ng sinturon, kung minsan, yung buckle pa ang ipinampapalo niya." Sandaling huminto ng pagkukuwento ang aktor, namula ang kanyang mga mata. "Talagang galit ako sa tatay ko noon. Pag nagkaroon ako ng anak, dalawa ang plano namin ni Hanna, hindi ko didisiplinahin nang ganun, gaya ng ginawa ng tatay ko sa akin. Hindi nakukuha ang disiplina sa palo. Mas nakukuha ito sa mabuting usapan. On the other hand, nitong lumaki na ako, saka ko na-realize ang dahilan kung bakit ako dinisiplina nang ganun ng tatay ko. Ayaw niya akong mapasama, malulong sa drugs, halimbawa."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended