Iyan ang mensahe na ipinararating ni Sec. Jamby Abad Santos Madrigal na siyang presidential adviser for childrens affair para sa kabataan ng sambaya-nang Pilipino, particular na ang mga bata na na-ngangailangan pa ng kalinga at pag-aaruga.
Dahil sa kanyang tunay na pagmamahal sa mga paslit, kaya minarapat na naghan-dog ng isang awitin para sa kanila. Ito ay iyong kanyang "Ikaw Lamang" na inawit ni Jamby kasama si Bb. Imelda Papin na nga-yon ay bise gobernador ng Camarines Sur.
Ang kantang ito ay nakapaloob sa lalabas na album ni Bb. Papin sa ilalim ng Universal Records.