Nagpupugay ang isang bagong aktor

Isa na namang baguhan ang nais makilala sa larangan ng showbiz. Siya si Niño Manuel Benedicto,-17 taong gulang, tubong Guiguinto, Bulacan at nasa unang taon sa kolehiyo sa Far Eastern University.

Bukod sa pag-arte, nais ni Niño na makilala sa larangan ng pagkanta kaya nag-aaral siya ng voice lesson sa Centro Escolar, nag-recital siya noong 1996 at 1997. Nagkaroon din siya ng commercial gaya ng Puwedeng-puwede Trailer, nag-workshop sa ABS-CBN noong nakaraang Mayo 2000.

Isa rin siyang martial practitioner, marunong ng taekwondo, 3rd grader.
Si Niño ay isa ring weekly winner ng isang paligsahan sa MTB Channel 2, ang "MTB Gwaporms," nanalong Mr. G.E.C. sa FEU General Education-Curriculum 2000, title holder at Mr. Friendship.

Kasalukuyang ginagawa niya Ang Dekada 70 kasama sina Mayor Vilma Santos, Marvin Agustin at marami pang iba, kasama rin siya sa Annakarenina sa GMA -7.

Sina Piolo Pascual at Rico Yan ang mga idolo niya, si Piolo dahil sa mahusay itong umarte at talagang makikita mo ang kanyang pag-arte ay may buhay at si Rico naman ay flexible, kahit anong i-portray niya ay kayang-kaya niyang gawin. — Vanna K

Show comments