Artista rin sa pelikula si Maning Borlaza bilang isang priest-spiritual adviser ni Odette Khan na lola naman ni Rodel Velayo na kinukumbinsing maging pari sa likod ng pagtutol nito. Lahat ng eksena na nandoon si Maning Borlaza ay punumpuno ng mga dialog tungkol sa kabutihan ng Poong Maykapal na parang alangan sa isang pelikulang puno ng hubaran.
Ang titulong Kangkong ay hango sa contemporary vulgar usage ng salitang kantong ang ibig sabihin ay sex act. Ginawa na lang sigurong Kangkong dahil iyon ang hanapbuhay kuno ng mahirap na kamag-anak ni Brigitte de Joya na isang balikbayan galing sa Tate, dumating dito sa Pilipinas at na-inlove kay Rodel na apo ng donyang mapagmataas at malupit sa kabila ng pagkarelihiyoso nito.
Sa unang pagdating ni Brigitte ay may foreign accent pa siya pero sa bandang huli ng pelikula ay magaling na rin siyang mag-Tagalog at kaya na niyang magdeklara sa mahahabang dialog tungkol sa kanyang pagbabagong buhay sa gabay at pagmamalasakit ng simbahan at kawanggawa.
Turn-off yata ang mga viewers ng Seiko products dahil mukhang isang flop ang Kangkong na mixture ng salcious sex at madamdaming mga religious customs. Natural lang siguro na maputol ang lahat ng nakaka-offend na sex scenes nina Brigitte at Rodel at iba pang mga artista. Lalo akong nagulat nang makita ko uli si Julie Navarro sa isang movie na binura na yata ang lahat ng kanyang make-up sa mukha para maging karapat-dapat sa role ng isang madre. Ang karaniwan kasi niyang role sa pagkakaalala ko ay bilang madam sa isang prostie joint na in full make-up.
Si Odette Khan siguro ang original actress na over-acting ang mga mata–namimilog, namumungay, nanlilisik at pati kilay umaayon sa dikta ng emosyon. Taob si Nora Aunor.
Nakakaaliw ang trailer ng movie ni Rufa Mae na kung saan-saang lugar sa Maynila kinunan habang walang takot na sumasayaw at gumigiling si Rufa Mae na parang isang strip tease sa kalye ng Quiapo at Recto.
Maraming mga kalalakihan ang naaakit sa kanyang performance. Comedy naman ang Booba.
At siguro pinag-isipan na rin ng mga producers ang image ni Rufa Mae na isang sexy at palabang aktres na hindi gaanong matalino.
Kung ano mang wala sa utak si Rufa Mae ay pinupunan naman ng kanyang dibdib. Booba nga eh.
Bidang-bida si Julio Diaz for the first time in years at sa kanya nakasentro ang pelikula bilang lover ni Elizabeth. Si Rica ay anak ni Julio at mariin ang suggestion na may namamagitang incestuous relation sa dalawa. Si Jay Manalo ang boyfriend ni Joyce at ka-fling ni Rica. Medyo hindi bagay si Joyce as a high school student na object of obsession ni Julio. Pero maayos ang pelikula at alam mong pinag-isipan ng direktor at producer ang paggawa nito.