Noong nakaraang taon ay napakaraming nagkatotoong hula ng no. 1 psychic at ilan dito ay ang pagkakaroon ng mabigat na suliranin ng Pangulo, ang pagkakapanalo ni George Bush bilang Pangulo at Hillary Clinton bilang Senador sa nakaraang halalan sa Amerika, ang trahedyang naganap sa Payatas, Quezon City, pagbagsak ng eroplano, pagbubuntis ni Lucy Torres at Sharon Cuneta, ang barkong lumubog sa Mindoro at marami pang iba na kung iisa-isahin namin ay magkukulang tayo sa espasyo.
At bilang huling hirit for the year 2000 ay humabol pa ang kanyang prediksyon na magkakaroon ng trahedya sa LRT na siyang naganap noong December 30, 2000 kung saan ay binomba ang nasabing tren.
Sa taong ito, 2001, ay marami na namang prediksyon si Acuin at isa na rito ay nagkaroon na ng katotohanan. Ito ay ang naganap na lindol sa Davao noong January 2.
Subalit tulad ng lagi niyang sinasabi, hindi siya natutuwa kapag may mga negatibo siyang prediksyon na nagkakatotoo. Kaya nga ipinakikiusap din niya na ipagdasal ang mga hindi magagandang hula upang hindi magkaroon ng katotohahan at kung magaganda naman ay ipagdasal na magkatotoo.
Sa tuwina rin ay lagi niyang pinaaalala niya ang Diyos pa rin ating dapat na pagtiwalaan.
Ang mga nagnanais makadaupang-palad ang Nostradamus ng Asya, magsadya lamang sa kanyang tanggapan sa 52 Gen. Lim Street, Heroes Hills, QC o di kaya ay tumawag sa 416-23-41 at 373-38-66.