"Nakapanghihinayang nga po dahil matagal na rin naman akong artista at kahit paano ay may nagawa na rin akong pangalan but going away is something that I have to do.
Tatlong taon ko na itong pinag-iisipan and there is no turning back for me. Hindi ko sure kung gaano ako katagal mawawala pero at least mga six months ako dun at hindi na ito mababago," pauna niyang salita.
"Are you pregnant?" ang tanong sa kanya ng press.
"Natatawa nga ako dahil akala ko ito ang unang iisipin ng tao sa pag-alis ko but, surprisingly, mas concerned sila sa magiging paghihiwalay namin ni Dingdong (Dantes) kaysa sa kung buntis nga ako o hindi," dagdag pa niya.
Sinabi ni Antoinette na marami siyang mami-miss at talagang malulungkot siya but she owes it to her father to obey him. "May mga kausap na siyang tao, hindi na ito maipo-postpone. Pag successful ang magiging resulta, it might take a little longer for me to come home," pagtatapos niya.
Ang Tabi Tabi Po ay nagtatampok ng tatlong istorya na nasa direksyon din ng tatlong tao, sina Jose Carreon, Tata Esteban at Joven Tan. It was entered to the MMFF 2000 pero, hindi napili. May tatlong episodes ito na may mga pamagat na Vampira 2000, Engkantada at Demonyita. Bukod kay Antoinette, kasama rin sa movie ang iba pang baget stars tulad nina Wowie de Guzman, Onemig Bondoc, Stefano Mori, Gladys Reyes, Angelica Panganiban, Bernadette Allyson at Michael Roy Jornales.
They are ably supported by veteran stars Elizabeth Oropesa, Melissa Mendez, Bella Flores, Raymond Bagatsing, Berting Labra, Joanne Pascual, Alvin Anson, Izza Ignacio at Piel Morena.
Ito ay bale pagbibigay sa maraming kahilingan na ibalik siya pagkatapos ng dalawang hit concerts na ginawa niya sa nasabing lugar ng dalawang magkakasunod na Biyernes. Mapapanood siya kasama ng Power Play Band sa ika-9:30 ng gabi.
May pamagat ito na "Heal Our Land" at nagtatampok sa mga awitin na naglalayong bigyan linaw ang isip ng mga Pilipino na naguguluhan na sa kasalukuyang kaganapan sa ating bansa.
Ang carrier single nito ay ang Tagalog version ng "Heal Our Land" na "Hilumin Mo, Bayan Ko" na inawit ni Jamie sa Senado sa makasaysayang impeachment trial ni pangulong ERAP.
Wala na ba silang ibang maisip na pose kaya kinopya nila ito which offended and slighted me bilang isang Katoliko. Inihahalintulad na ba nila ang aktor kay Kristo? Na- man !!!
Nababastusan din ako kapag ang Misa ay nilalagyan ng mga Pari ng political color. I don’t mind being reminded of my duties as a Catholic and a citizen of this country pero, marami pang mas mahalagang bagay tayo na mapagtutuunan ng pansin kaysa sa mga bagay na political na alam naman natin kung ano ang kahahantungan. Tapos, nagbabanta pa si Cardinal Sin na magpapasimuno ng isang people power na katulad ng sinuong ng marami sa amin nung 1986 nang isugal ko ang aking buhay at pati na ng aking mga anak para sa isang bagay na aking pinaniniwalaan.
Ayaw ko nang balikan pa yun kaya mataimtim na dasal na lamang ang aming ginagawa. O baka naman pati ang power of prayers ay hindi na rin pinaniniwalaan ng pinaka-pangunahing puno ng Simbahang Katoliko dito sa bansa?