Richard, boboykotin ng anti-Erap
January 13, 2001 | 12:00am
Contrary to reports, mananatili ang suporta ni Richard Gomez kay President Joseph Estrada na kasalukuyang nahaharap sa impeachment trial. May lumabas kasing balita na babaligtad na rin daw si Richard sa Pangulo, and that, iiwan na raw nito ang kanyang trabaho bilang kalihim sa sports.
"On going na ang trial. Let’s just respect it at huwag agad-agad tayong manghusga. Huwag nating pangunahan ang mga bagay-bagay. Let’s be fair." Sabi pa nga actor-turned-politician na si Richard.
"It’s not because I’m one of the cabinet members, it’s also my choice and I guess it’s my right. Wala na rin akong pakialam sa sasabihin ng tao dahil kanya-kanya lang tayo ng opinyon," sabi pa niya.
Lumabas na rin ang ilang showbiz personalities na humihiling nang pagbaba ni President Erap sa puwesto. Ang pinakahuli nga, lumantad na rin ang Star For All Seasons at Lipa Mayor na si Vilma Santos sa pagsasabing dapat nang mag-resign si Erap. Any reaction?
"Like I said, we have our own choices. We have our own opinions. Kanya-kanyang respeto na lang tayo. At para sa mga humihiling na bumaba na ang ating Presidente, irerespeto ko sila.
"Karapatan din naman ni Ate Vi (tawag kay Vilma) ang magbigay ng kanyang sariling opinyon. ‘Yun nga lang, parang nakakasama lang ng loob na kami-kami ‘yung magkakasama sa showbis, ‘di ba?" sabi niya.
Samantala, dedma lang si Richard sa isyung iboboykot daw ng anti-Erap groups ang mga produktong inindorso niya. Pati raw mga pelikula’t TV shows niya. – Robert Perez

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended