Marami na yung dalawa. Pero, kung katulad ko kayo na naghahanap ng balita, may nakapagsabi na ang international airport ay isang magandang lugar.
Recently, nagkasunud-sunod ang pagdating ng mga artista natin na nagbuhat sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Si Patricia Javier has just arrived from Europe na kung saan ay nagkaroon siya ng ilang matagumpay na pagtatanghal.
Kung nagtataka kayo kung bakit madalas mag-show sa panig na yun ng mundo ang ating sexy star, ito ay sa dahilang marami siyang kamag-anak dun at sila na mismo ang nago-organize ng show para sa kanya.
Dumating din si Donita Rose from Singapore. Baka matagalan siya ng kaunti dito sapagkat mayro’n siyang gagawing commercial na naman. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya makasagot sa mga shows sa TV na nagtatangka na kunin siya para maging guest.
Like Idol Ko Si Kap na hanggang ngayon ay humahanap pa rin ng makakapalit sa nawalang si Miriam Quiambao. Gusto ni Donita na mag-guest sa mga TV shows but her schedule does not allow her to do so.
Napaka-ikli lamang ng breathing period niya in between her tapings at pagkatapos ay kailangan niyang bumalik agad ng Singapore for some pressing commitments.
May nakapagsabi na nakita rin daw sa airport ang beauty ni Carmina Villaroel.
My source says na kung hindi pa malabo ang kanyang mga mata ay si Carmina nga ang nakita niya na sinundo ng isang babae at agad nawala nang makasakay ng kotse.
Otherwise, baka kamukha lamang ng aktres ang nakita niya. But she almost swears na si Carmina nga yun. Baka, ayaw lang ma-interview muna kaya nawala?
Nakatakda na ring dumating anytime now si Priscilla Almeda from the US where she spent her Christmas.
Samantala, yung hindi nakarating sapagkat may trabaho at ibang pinagkaabalahan ay itatampok naman sa anniversary presentation ng Master Showman Presents sa first week of February.
May feature din siya tungkol sa isang Fil-Am boy na nakilala sa US sa larangan ng baseball-si Benny Agbayani.
Hindi naman ang mga pelikula niya ang isi-share ng aktres na si Cherie Gil sa mga TV viewers kundi kung paano niya namimintina ang kanyang magandang pangangatawan sa kabila ng pagiging abalang artista at ina ng tahanan.
Ako, nasa gitna lamang at naghihintay ng kalutasan at katapusan ng mga pangyayari. Sana nga ay maaga nang matapos ito para naman makapagpatuloy na tayo sa ating buhay. Kung matalo si Erap, sori na lang at pag-aralan na nating tanggapin ang susunod sa kanya. And I hope next time, maki-cooperate naman tayo sa magpapatakbo ng ating gobyerno. Huwag nating gayahin ang marami na personal na interes ang inaalala at ang nagiging kawawa ay ang taong bayan. Kung manalo naman si Erap, sana ay matutunan nating tanggapin ito ng maluwag sa ating dibdib. This is what the whole exercise is all about. Kasi baka kapag nanalo si Erap ay magpatuloy pa rin ang mga protesta sa kalye at kapag natalo naman siya ay hindi rin pumayag ang mga nasa panig niya.
Sana, tanggapin natin kung ano man ang maging resulta ng impeachment trial. SANA.