Miss Chinatown Manila 2001

Ang City of Manila kasama ang Chinatown Development Authority (CDA) ay nagsimula na ng kanilang search for Ms. Chinatown 2001. Bukas ito sa lahat ng babaeng Filipino-Chinese na may edad 18-25, may taas na 5’5", may magandang personalidad at good moral character at nakapagsasalita ng Mandarin, Fukienese o Cantonese. Tatanggap ng aplikasyon hanggang ngayong Enero 12.

Ang pakontes na nagsimula nung 1976 pays homage to the Filipino-Chinese community that has helped shape our country’s trade as well as enriched our culture. Sa taong ito, ang CDA ay muling ibinabalik sa pagtataguyod ni Mayor Lito Atienza.

Ang pakontes ay isasabay sa pagdiriwang ng Chinese New Year na magsisimula sa Enero 20-27. Ang pageant ay gaganapin sa Enero 22 sa Plaza San Lorenzo Ruiz sa harap ng Binondo Church.

Tatanggap ang mananalo ng malalaking premyo bukod pa sa pagkakataon na maging kinatawan sa Ms. Chinatown International Pageant na magaganap sa susunod na taon.

Para sa iba pang detalye, tumawag sa JLF Organization, 6347776/6384243 to 44 o sa opisina ni Miles Roces, 5270959 o bumisita sa www.tsinoy.com.

Show comments