Pinky Marquez join 'Lunch Break'

Kasama na sa Lunch Break ang recording and concert artist na si Pinky Marquez sa linggong ito, simula Enero 9 hanggang 12. Makakasama niya sina Mystica, Lovely Rivero, Anna Fegi at PG 13.

Ang Lunch Break ay isang presentation ng MMG Entertainment Group, Inc. at mapapanood Lunes hanggang Sabado, 12:00 ng tanghali.

Ang host ng programa ay sina Leonard Obal, Earl Ignacio, Joy Viado, Dang Cruz, Yam Ledesma, Ladine Roxas, Michael Laygo, Jojo Avellana, Jojo Alejar, Yoyoy Villame at Ben Sagmit.

Ang mga segments ng programa ay ang "Cyberlook", "Pasikantahan", "Super Girlash" at "Pretty Lady".

May isa pa ring programa sa TV ang MMG Entertainment Group, Inc. Ito ang Chikiting Patrol na napapanood tuwing Miyerkules, 11:30 ng gabi - 12:30 ng umaga sa IBC 13. Sina Doy Castillo, Gen. Arturo Anas at Ervin Mateo ang mga hosts ng show.

Show comments