Paranormal sa Tropang Pinoy
January 7, 2001 | 12:00am
Silipin ang hiwaga ng paranormal at maglakbay sa daigdig ng kababalaghan sa Tropang Pinoy tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa RPN 9 sa pangunguna ni Tony Tamayo at Beth Tamayo kasama ang kanilang piling panauhin na sina Jaime Licauco at Frances Gloria, parehong kinikilalang awtoridad sa paranormal sa bansa.
Pangungunahan ni Katropang Tony ang talakayan kasama sina Licauco at Gloria upang maliwanagan ang manonood sa pag-unawa sa paranormal. Pag-uusapan kung paano mahasa ang ESP, ang tama at ang benepisyo ng meditation, ang panaginip, ang ukol sa karma at reincarnation, faith healing at soul mates.
Si Licauco, kolumnista ng Innermind sa isang pahayagan ay ang pangulo ng Innermind Development Institute. Inaasahang tatalakayin niya kung paano makukundisyon ang tinatawag na innermind upang makatulong sa pang-araw araw na pamumuhay. Si Gloria ay isang kilalang hypnotherapist at isang lecturer sa mataas na kamalayan. Siya ay miyembro ng International Medical and Dental Hipnotherapy Association.
Bukod sa talakayan, ang Tropang Pinoy ay naghahatid ng serbisyo publiko, mga gabay sa kalusugan at nagsisilbing forum ng mga kasalukuyang usapin na hinaharap ng bayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended