US-based Pinoy composer continues to make songs for local singer
January 6, 2001 | 12:00am
Sa kabila ng pangyayaring siya ay naka-base na ngayon sa San Diego, California, nagagawa pa rin ng multi-awarded composer na si Aaron Paul del Rosario na makalikha ng mga magagandang awitin para sa ating mga local artist. Siya ang may likha ng carrier single ni Chino Romero ("Maling Akala") para sa kanyang second album, ang "Iniibig Kita" para sa Alpha Records. Matatandaan na nung naririto siya ay nakalikha rin siya ng mga komposisyon para kina Richard Reynoso ("Hindi Ko Kaya" at "Paminsan-Minsan"), Rachel Alejandro (Kulang Sa Pansin" at "Langit Na") Rachel at Hadji Alejandro ("Babalik-Balikan") at Lilet ("Kahit Bata Pa").
Ang "Maling Akala" na kabilang sa 10 most requested songs ngayon in FM and AM stations ay inawit ng isa ring magaling na songwriter na si Chino Romero na nakagawa na ng mga Ilocano and Tagalog songs. Una siyang nakilala nang lumabas ang kanyang unang album sa Alpha na pinamagatang "Walang Ibang Mahal".

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended