Antoinette at Onemig: Bagong kumbinasyon sa pelikula

Sina Antoinette Taus at Onemig Bondoc ang magkapareha sa second episode ng pelikulang Tabi-Tabi Po ng FLT Films intended for an early New Year’s presentation.

"Engkantada" ang title ng episode nila.

Identified si Antoinette as ka-loveteam ni Dingdong Dantes, pero wala raw namang selosang nangyari.

Sa "Engkantada", papel ng isang diwata ang ginagampanan ni Antoinette.

Siya ang magliligtas sa kaharian ng mga nuno na nabulabog ng mga treasure hunters. Si Onemig naman ang manliligaw niyang taga-lupa.

Ang "Engkantada" ay istorya ng mga makabagong "nuno sa punso."

Sa production design at direction ni Tata Esteban, nilagyan niya ng mga dance revolution, videoke at kung anu-ano pang atraksyon ang loob ng kuweba ng mga nuno para maka-adapt sila sa modern age.

Show comments