Mainit ang dating ni Rica

Nagulantang ang lahat nang lumabas ang balitang nagdesisyon na ang young actress na si Rica Peralejo na sumabak na sa mga matitinding roles. After doing so-so roles nga naman ay "one of those" pa rin ang naging dating niya sa mga tao.

Pero hindi na "one of those" ang byuti ngayon ni Rica dahil siya na ang "star of the moment" ngayon at posibleng the next important actress ng taong 2001.

Hindi na nga maipagkakailang mainit na mainit ang dating ni Rica mula nang nagpahayag siyang sasabak sa sexy roles. Sinimulan niya ito sa Ex-Con at kasunod nito ang mas matindi pang papel niya sa Balahibong Pusa ng Viva Films.

Napanood ng marami ang kabuuan ng Balahibong Pusa at inabangan talaga ng mga tao ang eksena nina Rica at Jay Manalo sa talyer! Suwabeng-suwabe ang eksena at swak na swak sa manonood ang ipinakita ng young actress sa eksenang ‘yon!

Sari-saring reaksyon at iba’t ibang emosyon ang kumawala sa manonood sa eksenang ‘yon ni Rica!

Subalit iisa lang ang naging konklusyon ng marami – kakaibang init ang hatid ni Rica sa Balahibong Pusa na sa Enero 10 na bubulaga sa malaking telon!

Show comments