It would not have been fair for the parents to leave their children in the house last Christmas sapagkat hindi para sa kanila ang Gatas, eh Pasko pa naman.
With Tanging Yaman being able to admit even the children and lording it over at the tills, tama lamang na ngayon ipalabas ang Gatas.
Solo pa ni Mylene ang promo dahil ang mga kalaban niyang pelikula ay may ibang kategorya at hindi niya kasing-kontrobersyal.
It took Mylene only five minutes to accept Gatas na mayro’ng bold scenes, including nudity and savage marital rape (with Jomari Yllana) and erotic romance (with Kenji Motoki) plus a controversial breastfeeding sequence with Jomari.
"Maganda ang istorya at justified naman ang mga bold scenes. I threw inhibitions to the wind and did what I had to do," ani Mylene.
Nang makita niya ang pelikula, nagpasalamat si Mylene na ginawa niya ang pelikula, kahit pa marami sa mga kaibigan niya’t kamag-anak ang hindi kumporme sa ginawa niya.
She merited raves for her acting.
Napansin ang mga bold scenes pero, wala ni isa man ang nagsabi na nasagwaan sila sa mga ito.
Isinilang ang isang bagong aktres, ang kauna-unahan sa 2001.
Hindi siya nahiyang aminin na hindi siya marunong makipag-kissing scene sa screen kaya inabot ito ng take three bago nila na-perfect.
"Ni wala kaming preparasyon. Katatapos lamang naming kumain ng sampalok kaya lasang-lasa ko pa ito sa labi ni Carmina during the take," ani April Boy Regino.
Isang action fantasy ang Super Idol, na kung saan ay gumaganap siya ng role ng isang super hero na binigyan ng kapangyarihan ni Pandoy na ginagampanan ni Joey de Leon na mayro’ng ispesyal na role sa pelikula. Tampok pa rin sa pelikula sina Manilyn Reynes, Aljon Jimenez, Precious Valencia, Gabriel Romulo, Mikey Arroyo at Tia Pusit.
May solid story ang Super Idol, may elements of fantasy, comedy, at kaunting horror at action. Mayro’n din itong isang MTV-like sequence na nagtatampok sa awiting "Super Idol" na isang big hit ni April Boy Regino.