^

PSN Showbiz

Direk Laurice & Johnny, join na rin sa anti-Erap rally!

-
Nagpakita na ng suporta sa pagpapatalsik kay President Estrada sina Johnny Delgado at direk Laurice Guillen. Naging basehan daw nila ang nangyaring bombing sa Metro Manila last Saturday kung bakit sila lumabas at ipakita ang suporta sa mga gustong magpababa sa puwesto ng Pangulo. Ilan lang sila sa mga artistang nakikiayon na mag-resign na si Estrada.

Ang mag-asawa ay katatapos lang purihin sa Tanging Yaman na hanggang ngayon ay mapapanood pa sa ilang Metro Manila theaters.
*****
Sa kabila ng problemang kinakaharap ng ating bayan, tuloy ang buhay para sa lahat. Marami pa ring nagsa-shopping, nanood ng sine, etc. Maging ang Miss Saigon ay marami pa ring gustong manood. Actually, pagpasok ngayong Enero hindi na si Lea Salonga ang lead role sa Miss Saigon kundi ang dati niyang alternate na si Ces Campos at si Ima Castro ang ka-alternate. By the way, lahat ng teacher ng Navotas ay may chance na manood ng Miss Saigon. Thanks to Navotas Mayor Toby Tiangco na nagbigay sa kanila ng kakaibang Christmas gift.

Halos lahat ng pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival ay kumita, although wala pang official result kung magkano ang kinita ng anim na pelikula. Ito ay sa kabila ng nangyaring bombing sa ilang area sa Metro Manila last December 30. Malakas pa rin talaga ang loob nating mga Pilipino. Kahit alam nating mahirap ang buhay, pinagsisikapan pa rin nating mabigyan ng kasiyahan ang sarili natin.
*****
Narito ang isang e-mail reacting to my column dated December 30.

Miss Asis,

I have to counter act yung lumabas mong column. Napakagaling ni Johnny Delgado from start to finish ng Tanging Yaman. Totoong totoo ang kanyang acting. Walang duda na grand slam winners sila ni Ms. Gloria Romero this coming awards 2001. Hindi ko feel ang akting niya. Pero three times kong pinanood ang Tanging Yaman. Pero wala talaga akong makitang mali sa movie. Please publish the letter para matauhan ang juror na nagsabi na hindi deserving si Johnny at masabi kong mas tama ang mga jurors na nagpanalo kay Delgado.

Thanks.
Pauley Vecino
*****
Ms. Asis,

Happy Holidays.

Ano na ang balita sa planong pelikula nina Charlene G. at Richard G. na may titulong Lansag? Kailan lang ay naibalita n’yong di na matutuloy, pero may ilan naman akong nababasa sa mismong column ng manager ni Charlene na si Ethel Ramos na mukhang interesado pa rin si Charlene na gawin ito. Bakit nga ba ang hindi, makakatulong ito para ma-establish kahit paano ni Charlene ang movie career niya. At magandang tambalan din naman sila ni Goma. Di naman siguro magagalit si Aga M. sa proyektong ito. Lalo pa’t gagawa muna si Aga ng pelikula kasama si Regine V. Hangad ko na matuloy ang proyektong ito. Pakisabi sa may kinalaman sa mga bagay na ito, kina Ms. Ramos, sa Viva Films at kay Mr. Douglas Q..

Salamat ng marami sa pagbasa ng liham kong ito.

Gumagalang,
Erlinda del Rosario
, Sta. Cruz, Manila

AGA M

CHARLENE

JOHNNY DELGADO

METRO MANILA

MISS SAIGON

TANGING YAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with