Bagong Taon, bagong relasyon ?
January 2, 2001 | 12:00am
Sa kabila ng patuloy na denial nina Jolina Magdangal at Onemig Bondoc na mayroong namamagitan sa kanila aside from friendship, marami sa nakakikilala sa kanila ang ayaw maniwala sapagkat palaging special treatment si Uno kay Jolens.
Ang bagong bahay ni Jolina ay si Onemig ang unang nakakita at nakapunta. Una siyang naimbitahan dito. Not even Robin Padilla na for a time ay na-rumor kay Jolen ay hindi nabigyan ng chance na katulad na nakuha ni Onemig as far as Jolina si concerned.
"Bakit mahirap paniwalaan na ang isang babae at lalaki ay puwedeng maging magkaibigan lamang, magkabarkada?," unang tanong ni Jolina who spent her Christmas sa kanyang bagong bahay.
"Kailangan bang magkaroon kami ng relasyon para siya makapunta ng bahay ko? Pwede rin namang pumunta dun ang iba pang friends ko. Nagkataon lamang na si Uno ang nauna, but it doesn’t mean a thing. Nagpunta lang siya sa, bahay, yun lang," dagdag pa ni Jolens.
The year 2001 has a lot of promises for Jolina who has several invitations to go back to the US for another series of shows. Sa TV naman bagaman at bago pa lamang ang Arriba! Arriba! ay lumalagay na agad ito sa mataas na posisyon sa ratings board.
"Hindi lang siguro ito swerte dahil talagang maganda ang show, pinaghihirapan naming mapaganda. At saka, talagang linggu- linggo ay iba ibang panoorin ang nakikita ng televiewers. I hope, mas maganda pang episode ang maihandog namin sa mga manonood," pagtatapos niya.
After that short stint sa Deathrow, maraming magagandang plano ang GMA kay Angelika dela Cruz. Katulad ni Cogie Domingo, inaasahan na magiging isa sa mga flag bearers ng nasabing network si Angelika. Angelika does not only sings but acts as well.
Masaya yung Christmas party ng MMG Entertainment na nasa ilalim ng pamamahala ni Ms. Stella Ledesma. Simple lamang ang pagdiriwang pero, naroroon at nakipagsaya ang big bosses ng MMG Group na sina Mr. Ervin and Mrs. Evelyn Mateo. Nagsilbing host sina Ronald Gan, Hanna Villame, Yam Ledesma, Ben Sagmit, Leonard Obal at Dang Cruz, mga regular host ng pino-prodyus na TV show ng MMG, sa IBC 13, ang Lunch Break. Dumating din at nakipagsaya si Niño Muhlach minus his new bride.
Dun ko nakita na hindi kailangan ang mabonggang affair, basta magkakasama ang lahat ng magkakatrabaho at masaya sila sa kanilang ginagawa ay okay na, masaya na ang Pasko. Lahat ng branches ng MMG Entertainment ay nag-participate at lahat ay nanalo ng malalaking cash prizes, bukod pa sa mga gift packages na ipina-raffle.
Officially, tapos na ang Christmas season, kahapon, New Year’s Day. Not unless na gusto nyong I-extend and celebrate Epiphany next Sunday. Ang Three Kings kasi comes every first Sunday of January pero dahilan sa Lunes pumatak ang Bagong Taon kung kaya hanggang sa next Sunday pa ang selebrasyon ng Kapaskuhan.
Kaya Merry Christmas pa rin sa lahat. Kung hindi pa kayo nakakapag-padala ng mga regalo nyo sa mga kinauukulan, you still have until Sunday.
Ang bagong bahay ni Jolina ay si Onemig ang unang nakakita at nakapunta. Una siyang naimbitahan dito. Not even Robin Padilla na for a time ay na-rumor kay Jolen ay hindi nabigyan ng chance na katulad na nakuha ni Onemig as far as Jolina si concerned.
"Bakit mahirap paniwalaan na ang isang babae at lalaki ay puwedeng maging magkaibigan lamang, magkabarkada?," unang tanong ni Jolina who spent her Christmas sa kanyang bagong bahay.
"Kailangan bang magkaroon kami ng relasyon para siya makapunta ng bahay ko? Pwede rin namang pumunta dun ang iba pang friends ko. Nagkataon lamang na si Uno ang nauna, but it doesn’t mean a thing. Nagpunta lang siya sa, bahay, yun lang," dagdag pa ni Jolens.
The year 2001 has a lot of promises for Jolina who has several invitations to go back to the US for another series of shows. Sa TV naman bagaman at bago pa lamang ang Arriba! Arriba! ay lumalagay na agad ito sa mataas na posisyon sa ratings board.
"Hindi lang siguro ito swerte dahil talagang maganda ang show, pinaghihirapan naming mapaganda. At saka, talagang linggu- linggo ay iba ibang panoorin ang nakikita ng televiewers. I hope, mas maganda pang episode ang maihandog namin sa mga manonood," pagtatapos niya.
Dun ko nakita na hindi kailangan ang mabonggang affair, basta magkakasama ang lahat ng magkakatrabaho at masaya sila sa kanilang ginagawa ay okay na, masaya na ang Pasko. Lahat ng branches ng MMG Entertainment ay nag-participate at lahat ay nanalo ng malalaking cash prizes, bukod pa sa mga gift packages na ipina-raffle.
Kaya Merry Christmas pa rin sa lahat. Kung hindi pa kayo nakakapag-padala ng mga regalo nyo sa mga kinauukulan, you still have until Sunday.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended