Halos nakatira na sa nobyo ang aktres !

Kung titingnan sa panlabas na kaanyuhan ang maganda at sikat na aktres, iisipin mo na mataas ang moral values nito. Kasi kapag tinatanong siya kung ka-live-in na niya ang sikat na nobyong aktor ay lagi niyang sinasabi na wala sa bokabularyo niya ang pakikipag-live-in. "Gusto kong magsama kami kapag kasal na kaming dalawa," aniya.

Nang marinig ito ng isang source na malapit sa aktres ay nagtaas lang ito ng kilay sabay sabing "naku! huwag kang maniwala diyan dahil sa totoo lang mas mahabang oras at araw ang inilalagi niya sa condo ng nobyo kaysa sa bahay nilang mag-ina."

Halata namang nagsisinungaling lang ang sikat na aktres ayon pa sa aking source. Ang magnobyo ay kilala sa showbiz dahil pareho silang de-kalidad na artista at pinag-uusapan na rin ang kanilang pagpapakasal sa isang taon.
PINAKAMALUNGKOT NA KAPASKUHAN NI PIEL
Kung natagpuan ni Ara Mina ang kanyang tunay na ama ay kabaligtaran naman ito kay Piel Morena. Napakalungkot ng Paskong ito para sa magandang aktres dahil ayon sa taong malapit dito ay may balitang hindi siya tunay na anak ng kanyang kinikilalang ina ngayon. Napakabait pa naman nito sa kanya. May tsismis pa rin na kahit ang kanyang kinagisnang ama ngayon ay hindi niya real father. Ayon sa aktres, tatapusin lang niya ang Bagong Taon at saka aalamin ang buong katotohanan sa balitang ito. Pero never na naramdaman ni Piel na hindi niya magulang ang mga ito dahil mapagmahal at maasikaso ang mga ito sa kanya kahit noong bata pa siya. Hindi naman magbabago ang kanyang pagtingin sakaling totoo nga ang balitang hindi niya tunay na magulang ang mga ito.

Sa kasalukuyan ay nakatira sa condo unit ni Mommy Rose si Piel at namumuhay ngayon nang solo. May pelikula na namang ipalalabas sa buwang ito ang seksing aktres titled The Virgin Wife na ilang beses nabigyan ng rating na X ng MTRCB pero nakapasa na sa Appeals Committee sa Malakanyang.
MYLENE, DI HILIG ANG MAKIPAG-LIVE-IN
Tinanong ko si Mylene Dizon kung totoo ang balitang lumabas sa isang babasahin na mahilig siyang makipag-live-in sa mga nagiging boyfriend dahil sa pagiging liberated. Nag-iba ang mukha nito at sinabing hindi totoo ang balita. "Sino naman kaya ang nagsulat niyan? Kahit paano ay may pinag-aralan naman ako at alam ko ang aking limitasyon. Hindi naman ganun kababa ang moralidad ko para makisama lagi sa mga lalaking nakakarelasyon ko. Siguro ang tamang salita ay independent at hindi liberated," aniya.

May boyfriend si Mylene ngayon at hindi naman siya pinagbabawalan sa paggawa ng mga daring movies dahil naintindihan nito ang trabaho ng aktres. Na-appreciate nga nito ang Gatas at sinabing may potensyal pala sa akting si Mylene. Hindi makakalimutan ng seksing aktres ang Crown Seven dahil sa pagbibigay sa kanya ng malaking break para ilunsad siya sa pagiging ganap na bituin sa said project.

PASASALAMAT:
Sa mga nakaalala sa amin this Holiday Season gaya ng mga sumusunod: Congressman Alfred & Kring Kring Romualdez, Solar Films, GMA 7, Speaker Manny & Cynthia Villar, Rosanna Roces, Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz, Janna Victoria, Priscilla Almeda, Boots Anson Roa, MMG Films, Stella Ledesma, Hanna Villame, Lolit Solis, Bibsy Carballo, Vero Samio, Louie Guarin, Linda Rapadas, Anna Concepcion, Kuya Germs Moreno, Aida Tieng, Cora Quintas, Liway Pelayo at Star Circle.

Show comments