Jay, may damdamin pa rin kay Joyce!

"Hindi naman madali yung pinagsamahan namin," ang bungad ni Jay Manalo nang huling humarap sa press para sa promo ng Balahibong Pusa, ang reunion movie nila ni Joyce Jimenez, dating ka-live-in, ex-lover, ex-love interest.

"Nung una kaming magkita sa set, excitement at kaba ang naramdaman ko. Siguro dahil matagal din kaming hindi nagkita.

"May ilang nakakailang na moments, parang nagkakapaan kami pero, nang makalipas ang ilang saglit ay nag-uusap na kami, ako nagbibiro na. Sweet na kami pero, hanggang dun na lang yun.

"May dalawang love scenes kami pero, hindi kami nahirapan. Nangyari naman yun sa totoong buhay namin pero we did it not as ex-lovers but as professional artists.

Trabaho, kung may feeling man na involved, alam ko nang kontrolin pero, magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi niya ako naapektuhan. Mukha lang ni Joyce nakakaa-attract na. Kahit sabihin mo pang balot na balot siya."

Sinabi ni Jay na huminto muna siyang pansamantala sa iskwela dahil sa rami ng trabaho. "Babalik din ako, puhunan ko ang aking pag-aaral para sa aking kinabukasan. Ito nga ang dahilan, in the first place kung bakit ako tumigil sumandali sa pelikula, bumalik ako sa iskwela.

"Happy ako sa naging success ni Joyce. Sayang nga at wala akong time para manood ng pelikula niya o anumang pelikula for that matter."

Wala ba siyang naging problema sa muling pagsasama nila?

"Wala, ako pa nga ang palaging nagri-remind sa Viva na baka may bagay na movie para sa aming dalawa. I feel, pareho na kaming mature enough na magturingan bilang co-workers," pagtatapos niya.

Bukod sa kanila ni Joyce ay kasama pa nila si Rica Peralejo sa Balahibong Pusa.
*****
For sure nakatikim na kayo ng pagkalalaking sandwiches na ginagawa ng Subway, ang pinaka-malaking sandwich and salad Franchise at No. 2 fastfood franchise sa buong mundo.

Nagbukas ito ng isang outlet sa second floor ng Harrison Plaza na minamaneho ng Belco Marketing Inc. at nasa pamamahala ni Belen Lovina Ticzon-Martel, kabiyak ng pangulo ng kauna-unahang one-stop shopping mall.

Naging ispesyal na panauhin si Councilor Kim Atienza na maituturing na ring isang artista sa popularidad na kanyang ipinakikita, Antonio V. Martel, Jr., Belen Ticzon, Salvador Benny Clemente, Arlene Ticzon, Subway-HP managing director, Gary Schiff, Subway regional mgr. at Edison Liang. Nagbasbas si Rev. Fr. Stephen Punnakal. Ang affair ay dinaluhan ng mga kilala at mahahalagang tao sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan.
*****
Pambuena-manong pelikula ng Twentieth Century Fox na ipamamahagi ng Viva International Pictures ang The Legend of Bagger Vance na pinangungunahan nina Matt Damon, Charlise Theron at Will Smith. Nasa direksyon ito ni Robert Redford.

Isa itong spiritual journey sa mundo ng golf tungkol sa pagbabalik ng isang sundalo mula sa pakikipag-laban sa digmaan sa kanyang dating buhay at pag-ibig at muling pagniningning sa isang sport na dating nagbigay sa kanya ng popularidad at karangalan. Tungkol din ito sa isang caddy na tumulong na mabalikan niya ang kanyang dating buhay at laro.

Palabas na ito sa Enero 12.

Bukod dito, nakalinya na ring ipalabas ang Woman on Top, tungkol sa isang Latinong babae na pumunta ng Amerika para maging isang sikat na tagaluto sa TV; Dude, Where’s My Car? Tungkol sa dalawang magkaibigan na dahilan sa paghahanap ng kanilang nawawalang kotse ay nalaman din na nawawalan sila ng malaking halaga. Ang mas malaking problema nila ay kung paano makatutulong sa mundo na nasa bingit ng isang intergalactic war.

Ready for release na rin ang Tigerland, Monkeybone, Squelch, Quils, Moulin Rouge at Say It Isn’t So.

Show comments