Mrs. World runner-up

Pang-internasyonal talaga ang beauty ni Maricel Morales. Kamakailan ay nanalo siya bilang 1st runner-up sa Mrs. World sa isang international beauty contest. Syempre, tuwang tuwa si Ace Espinosa sapagkat maski na mayroon na silang anak ay panlaban pa rin pala ang beauty ng misis niya. Nung dalaga ito ay nanalo bilang Mutya ng Pilipinas.

Aktibo pa rin sa showbiz si Maricel. May natapos siyang movie sa FAME, ang Isang Bansa, Tatlong Pangarap kasama sina Ira Luna at Precious Valencia.

Show comments