Katambal nito ang isang guwapong aktor na galing sa isang afternoon show noon. Nagsimula nang gumiling ang kamera at ang kinukunang eksena ay ang maiinit na tagpo ng pag-iibigan. Na-turn-on ang lalaki kaya kahit sumigaw na ng cut ang direktor ay tuloy pa rin ang paghahalikan nila sa labi at pagyayakapan habang nakahiga sa damuhan.
Nagka-crush din ang seksing aktres dahil malakas ang sex appeal ng binata. Matapos kunan ang eksena ay nabitin yata ang dalawa at ang romansa ay ipinagpatuloy nila sa cottage ng aktres kung saan doon natulog ang aktor kinagabihan. Maraming nakapuna na kinabukasan ay parehong masaya ang dalawa lalo na ang aktor dahil game na game pala si ST actress at magaling sa kama.
Higit sa lahat, proud din sa kanyang pagkapanalo si Ace Espinosa.
Nag-lie-low sa paggawa ng sa pelikula si Maricel para i-devote ang panahon sa kanyang anak.
May dumating na offer titled Tatlong Puso, Iisang Pangarap na isinulat ni Pablo Gomez at nagandahan siya sa istorya kaya tinanggap niya agad ito.
Nang tanungin namin si Isa kung ano ang Christmas wish niya ay sinabi niyang sana’y matuloy ang mga concert niya sa abroad, gayundin ang patuloy na paggawa ng maraming pelikula.
Kahit gusto ng dating boyfriend niyang si Don Stockwell na bumalik sa kanya ay imposible na niyang tanggapin ang aktor.
Ayon kay Isa ay napatawad na niya ito sa panloloko sa kanya pero wala na siyang balak na makipagbalikan pa rito. Higit sa lahat, inamin din ng aktres na wala na siyang feelings kay Don.