Mga indibidwal na may gulang na labingwalo pataas, nasa ikalawang taon na sa kolehiyo o higit pa, mayroong karanasan sa teatro at produksyon ay iniimbitihang magpasa ng kanilang mga aplikasyon sa PETA office sa 61 Lantana St., Brgy. Immaculate Concepcion, Lungsod ng Quezon. Bukas ang aplikasyon mula alas-dos ng hapon hanggang alas-otso ng gabi.
Mga karagdagang kasanayan sa Pamamahala sa Produksyon, Pamamahala sa Entablado o sa Theater-in-Education ay malugod na tinatanggap.
Ang mga aplikante ay kailangang magdala ng kanilang comprehensive resume, isang 2x2 ID picture at isang full shot (3R) photo at kailangang maghanda ng 3-minutong palabas na kanta, sayaw o monologo. Ang mapipiling mga aplikante ay sasailalim sa audition workshop mula ika-26 hanggang ika-28 ng Enero.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang kina Mhalouh Crisologo, Melvin Lee at Manolo Barrientos ng PETA Kalinangan Ensemble sa telepono bilang 724-9637, 722-9611 at 410-0822 o mag-fax sa 410-0820 o mag-e-mail sa peta@drama.com.ph o bumisita sa www.petatheater.org.