Lagare si Lorna T.

Dala-dalawang pelikula ang nilalagare ni Lorna Tolentino bilang paghahanda sa kanyang pamamahinga sa shooting.

Ang isang pelikulang pinagkakaabalahan ni LT ay ang AbakadaIna ng Viva na pansamantalang nakabinbin nang apurahin ni Joel Lamangan ang Deathrow ng GMA Films para sa kasalukuyang Metro Manila Film Festival.

Napag-usapan nga ang mga promo ng filmfest entries at tila daw natatabunan sa ratsada ang movie nila ni Christopher de Leon na Sugatang Puso.

Inamin niya na siyempre mas bongga ang promo ng Ping Lacson: Supercop, Tanging Yaman, Markova, pero nakahanda na raw siya anumang ranking ang abutin ng Sugatang Puso na ipinagmamalaki niyang isang madramang pelikula.
Magaling mag-direk
Sa experience ko naman sa pelikulang (Sugatang Puso) ito ni Joey Reyes at ang mga ibang movies niya ay wala talagang palpak. Kung minsan disappointed ako dahil siguro ang taas ng expectations, pero masasabi kong ang mga pelikula ni Joey Reyes kahit sabihing lightweight, maayos naman ang pagkakadirek hindi tulad ng gawa ng ibang direktor na premyado pa nga raw pero ang mga mali naman parang sinasadya na.

At sa anumang papel, sino mang bigating artista ang kasama, lulutang naman si LT na 31 years na pala sa showbis. Seven years old lang siya nang mag-umpisa. At kahit sa anong klaseng billing, leading lady pa rin si LT sa Ping Lacson Story dahil ginagampanan niya ang papel ni Mrs. Alice Lacson.
GMA, ratsada next year
Napag-alaman ko sa isang pakikipag-usap kay Ms. Lilibeth Rasonable, isa sa mga program producers ng GMA-7 na haharapin ng Siyete ng buong saya ang Bagong Taon dahil ratsada sila hindi lamang sa kanilang mga primetime shows kundi lalung-lalo na nga sa public affairs and news programs. Ayon kasi sa perception ng lahat, nangunguna sa lahat ang ABS-CBN. Pero kung manguna man ang Channel 2, may mga programa at panahon rin na nakakaungos ang Channel 7. Kuntento na rin daw ang Siyete pero hindi sila kampante.

Inamin niya na ang kulang nila ay high-powered talents, pero ipinagmamalaki naman nila na may programa sa kanilang istasyon sina Rudy Fernandez, Bong Revilla, Jr., Joey Marquez at kasalukuyang inire-reformat ang show ni Phillip Salvador. At hindi nga raw kasing dami ang miyembro ng kanilang talent pack of young stars pero okey na rin sina Angelika dela Cruz, Dingdong Dantes, Antoinette Taus, Sunshine Dizon at iba pa. Pero hindi raw sila nagmamadali sa paghahabol ngayon. Basta pinagbubuti na lamang nila kung anong meron sila.
*****
Hindi pa nga yata tapos ang pagkakagawa ng GMA offices sa Edsa pero nauna na raw ang news and public affairs group sa mga bagong facilities ng GMA. Kapansin-pansin namang talaga ang news coverage ng GMA kung news at public affairs ang pag-uusapan. Dito nga lang sa impeachment trial may tatlong channels ang GMA devoted dito at siyempre pa 24 hours daily broadcast sila. Ayon pa kay Ms. Rasonable, na siyang producer ng Kasangga ni Rudy Fernandez, talagang napaka-ideal na katrabaho ni Daboy. Walang sakit ng ulo ang producer. Pinapansin ang lahat ng suggestions na makabubuti sa show, walang tantrums. Ipinagmamalaki pa nga ni Daboy noong presscon ng Ping Lacson na ang kanyang TV program ang one of the highest raters sa GMA-7. Na pinatunayan naman ng producer.
*****
Email:jen08@edsamail.com.ph

Show comments