^

PSN Showbiz

Dingdong, nagseselos kina Antoinette at Wendell

-
Parehong nalulungkot sina Wendell Ramos at Dingdong Dantes sa naunang plano ng kanilang leading lady na si Antoinette Taus na manirahan na sa Amerika.

By next year, nakatakda na ngang talikuran ni Antoinette ang showbis. At nangangahulugan nga lamang ito nang pagkasira na rin ng tambalang Antoinette-Wendell at Antoinette-Dingdong.

"Nagsisimula pa rin lang ‘yung loveteam naming dalawa, pero matatapos din pala agad. Kumbaga, kahit na papa’no, may followers na rin kami. Kaya nakapanghihinayang talaga," sabi pa sa amin ni Wendell sa isang interview.

"Kung anuman ang maging desisyon ni Antoinette, irerespeto ko na lang ‘yon. Actually, it’s her family’s decision at wala rin naman tayong karapatang panghimasukan ‘yon," sey naman ni Dingdong na original partner ng dalaga.

Sa pagkakataong ito, inamin din ni Dingdong na nakakaramdam siya ng selos sa tuwing napapanood niya on screen together sina Wendell at Antoinette. Pero wala naman daw siyang galit kay Wendell. Kaya hindi raw totoo na nagdededmahan sila nito. At lalong hindi raw totoo na muntik na silang magkaupakan.

"Ang pumapasok lang sa isip ko, sana ako ‘yung kasama’t kapareha ni Antoinette. Pero alam ko namang trabaho lang ‘yon and there’s no reason to be jealous. Wala ring rason para ma-threaten ako kay Wendell," diin pa ni Mr. Dantes. (Ulat ni Robert Perez)

vuukle comment

ANTOINETTE

ANTOINETTE TAUS

DINGDONG DANTES

KAYA

MR. DANTES

PERO

WENDELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with