Loren, idol si Dolphy

Hindi sasakay ng float ng Markova, Comfort Gay sa gaganaping Parade of Stars ngayong hapon si Senator Loren Legarda. Ayon kay Loren, pakiramdam niya ay hindi advisable sa kalagayan niya bilang judge sa on-going impeachment trial ng Presidente na sumakay sa float. Maiksi lang ang role niya sa Markova, pero importante ito. Very proud ang Senadora sa pelikulang ito dahil nakasama niya si Dolphy na matagal na niyang idolo.

Samantala, ayaw munang mag-comment ni Senator Legarda sa ginagawang imbestigasyon ng Senado kay President Estrada.

Dahil sa nasabing trial wala halos pahinga ang senadora as in 3 to 4 hours na lang ang tulog niya. Pero hindi halata nang makaharap namin siya sa isang dinner sa Century Imperial kasama si Mother Lily Monteverde. (SA)

Show comments