The girl with the Platinum touch

Sa Greek Mythology, si King Midas ay sumikat sa kanyang abilidad na gawing ginto ang lahat ng mahawakan. In reality, hindi ito totoo dahil wala naman talagang King Midas na may golden touch...pero merong isang Regine Velasquez na lahat ng hawakan na album ay nagiging certified multi-Platinum hits.

Ang kanyang debut under Viva Music Group Inc. "Drawn" ay double platinum at bumebenta pa rin ang "R2K" hanggang ngayon at ito ay may quadruple platinum status. Ngayong taon lamang, Regine released two albums-double platinum "Kailangan Ko’y Ikaw" at ang platinum "Regine Live...Singbird Sings the Classics." Ang "Mother of All" mula sa "Servant of All" series ng Viva ay isa ring certified platinum album with Regine’s as the voice behind it’s highly successful carrier single "Mary Most Holy, Mother of All."

Marami ang nag-tatanong kung bakit siya ang biggest selling female recording artist ngayon. May nagsasabi na ito ay dahil sa kanyang kakaibang tinig at stunning stage persona, ang iba naman ay ang kanyang 15 years of hard work mixed with a good and very loving heart. Naniniwala si Regine na malaking bahagi ng kanyang tagumpay ang kanyang mga fans.

Bilang pasasalamat sa kanyang mga taga-hanga, Regine will be closing the year with a big concert na gaganapin sa Yñares Center sa Antipolo City sa darating na December 30, 2000. Dubbed as Regine Live sa Antipolo ang concert na ito ay parang isang thanksgiving show dahil sa suporta na nakuha niya ngayong taon na ito.

The concert is being produced by Viva concerts. Ang halaga ng tickets ay P1200, P800, P600, P400 and P100 at mabibili sila sa Araneta Ticketnet, lahat ng SM Ticketnet Outlets at sa Viva Office (413-2572).

Show comments