Prospero Luna, di makalimutan ang pelikula

Totoo pala yung kasabihang kapag napasok na sa showbis, iisip-isipin mo na ito habang buhay. Ganito ang naging pahayag ng komedyanteng si Prospero Luna na sa Dally City na naninirahan ngayon. Pauwi-uwi na lang siya ng Pilipinas kapag dumadalaw sa mga kamag-anakan dito.

Sa pelikulang Tatlong Puso, Iisang Pangarap ng FAME Production, kasama siyang gumaganap nina Maricel Morales, Cris Villlanueva at Precious Valencia. Tampok din sina Yra Luna at Dobie Howard, isang American actor. Ang director ay si Dessie Pangilinan, mula sa script ni Pablo S. Gomez.

Sa Nevada kinunan ang shooting ng pelikula.– Vir Gonzales

Show comments