Well, ang Streetboys sa Spirit Warriors siguro ang tanging may karapatan na matawag na young. Ang mga young stars–sina Marvin Agustin, Jericho Rosales, Patrick Garcia, Cogie Domingo, Carlo Aquino, Jeffrey Quizon at Angelika dela Cruz ay puro supporting roles pero importante naman daw at umiikot sa kanila ang plot ng istorya.
Pero hindi kaya sila lamunin ng mga malalaking dramatic talents ng mga batikang tulad nina Johnny Delgado, Joel Torre, Edu Manzano, Hilda Koronel, Dina Bonnevie, Cherry Pie Picache, Jaclyn Jose, Cherie Gil, Eric Quizon pag dumating na ang awards time?
Sabi nga ni Dominic Ochoa, karangalan pa rin sa kanya ang mapasama sa eksena ng mga bigating artista kahit na siya magmukhang extra dahil the experience is worth it. Siyempre marami namang acting tips at acting pointers ang ibinabahagi sa mga batang artista ng mga producer, direktor at kapwa aktor. Pero iba siyempre kung nakikita mo na kung umaarte ang mga tunay na magagaling. Nadadala ka na rin. At sabi nga, sa mga tunay na aktor, hindi na pinatutunayan ang kanilang husay, basta epektibo sila sa eksena nilang ginagampanan, iyon ang mas importante.
Sa karaniwang manonood, sinusukat nila ang importansiya ng isang karakter sa pelikula, sa rami ng eksena niyang nilalabasan, sa haba ng dialog, sa rami ng close-up at sa physical energy na dapat ibigay sa eksena. Sa mga batikang artista, alam nila kung gaano kahalaga ang isang eksena kahit walang dialog, kahit walang galaw, alam nila kung mapapansin sila sa isang eksena o hindi–nagsasalita man o tahimik.
Di nga ba si Nora Aunor, tumingin lang ay parang nagda-dialog na at si Vilma Santos naglalakad lang sa lansangan, malalaman mo na kung ano ang iniisip at nadarama. Sa ibang artista, galaw lang ng balikat, ngiti lang ng labi, taas ng kilay, kay dami nang emosyon ang naipapahayag. May iba naman, tatlong minuto nang naglulupasay sa lupa ay wa-epek pa rin. Talaga sigurong ganoon.
Wala namang matinding sexy scenes si Rica kundi ang torrid kissing lang nila ni Victor. At sa totoo lang, nagmukha siyang ekstra sa pelikula dahil wala man lamang siyang dramatic highlight. Siguro nga ang bed scene niya with Victor Neri was supposed to be the image changing moments for her. Ang Ex-Con ay isang karaniwang Toto Natividad movie shot on different locations pero ang climax ay doon din sa paboritong lugar niya, sa Baguio yata, isang abandonadong mining camp na may giba-gibang wooden building. Madalas ko nang makita ang lugar na ito sa mga action movies at na-memorize ko na yata ang bawat hagdan at pintuan ng area.