Cogie Domingo: kasing-halaga na ni Eddie Garcia!
December 17, 2000 | 12:00am
Walang nagtataka kung bakit napakabilis nang usad ng career ni Cogie Domingo. Ikatlong pelikula lamang niya ang Deathrow ng GMA Films (ang unang dalawa ay Sa Piling ng Aswang at Yakapin Natin Ang Umaga) where he shares stellar billing with a noted thespian, Eddie Garcia, at sabi ng mga nakapanood ng rushes ng pelikula at sa pag-amin na rin ng direktor ng pelikula na si Joel Lamangan, nakapasa siya with flying colors. Already he is regarded as the rising star of Philippine Cinema, given as much importance as Eddie.
"Napakagaling niya, hindi siya nahihiya. I was amazed at the ease he handled his role. Bagay siya sa role na nangangailangan ng protection sa destructive world of prison.
"Nasabak agad siya sa isang mahirap na eksena na kung saan ay pinatay niya si Anita Linda, he was good. Nahirapan lang ako nung kailangang magalit siya sa isang scene. Ang galit na lumabas sa kanya ay galit ng isang bata. I couldn’t blame him, wala pa siguro siyang ganung karanasan. Pero, nang sabihin ko na kailangan ko ng galit ng isang matanda, nagawa naman niya.
"Hindi siya nakapag-worskshop. Nag-usap lang kami bago namin ginawa ang film," dagdag pa ng direktor.
GMA Films producer, Butch Jimenez believes that the film will catapult Cogie to superstardom.
Deathrow is an intense action drama na magpapakita ng nakakatakot na proseso ng lethal injection. Tinatalakay din nito ang problema tungkol sa mga kabataan na napupunta sa deathrow. Pinapayagan na ba ito? Hindi ba ang mga batang kriminal ay hindi napaparusahan ng kamatayan, sa repormatorya lamang sila inilalagay?
Kasama rin sa movie sina Jaclyn Jose at Angelika dela Cruz.
Hindi lamang naman sina Patrick Garcia at Carlo Aquino ang nabigyan ng malaking break na magkaroon ng entry sa Manila Film Festival 2000 para sa pelikulang Sugatang Puso ng Regal kundi maging ang mga kasamahan nila sa Talent Center na sina Pamela delos Santos at Denise Joaquin na kabilang sa cast ng Spirit Warriors.
Bagaman at ang pelikula ay nagtatampok sa mga Streetboys bilang mga miyembro ng isang grupo ng magkakaibigan na ang layunin ay mapatunayan na talagang may multo at sa paghahanap nila ng mga ebidensya ay maililigtas nila ang mundo from total evil.
Sina Denise at Pamela ay miyembro rin ng Camera Club. Ang una ang lookout kapag naghahanap sila ng multo, ang ikalawa ay naghahanap ng kaluluwa ng kanyang namatay na kakambal.
Si Denise ay contract star ng Premier Productions. On loan lamang siya until the time na matapos niya ang kanyang kontrata.
Napapanood siya sa mga palabas ng ABS-CBN, lalo na sa Richard Loves Lucy na kung saan naipapamalas niya ang kanyang galing sa comedy.
Si Pamela naman ay nakasama sa unang batch ng Star Circle. Hindi nagkasundo ang mother niya at ang ABS-CBN kaya tumigil siya. Four years siyang walang ginawa kundi mag-aral at gumawa ng commercials. Ngayong nagbalik siya at may limang taong kontrata sa Dos, ibi-build up nila siya sa mga wholesome roles. No sexy roles for her. As long as wala siyang ipapakita, walang tutol ang kanyang parents sa kanyang piniling trabaho. Otherwise, patitigilin nila siya. Hindi lang ang parents niya ang nag-aalala na sa roles na tatanggapin niya kundi maging ang Iglesia ni Kristo, ang relihiyon na kinaaaniban niya.
"Napakagaling niya, hindi siya nahihiya. I was amazed at the ease he handled his role. Bagay siya sa role na nangangailangan ng protection sa destructive world of prison.
"Nasabak agad siya sa isang mahirap na eksena na kung saan ay pinatay niya si Anita Linda, he was good. Nahirapan lang ako nung kailangang magalit siya sa isang scene. Ang galit na lumabas sa kanya ay galit ng isang bata. I couldn’t blame him, wala pa siguro siyang ganung karanasan. Pero, nang sabihin ko na kailangan ko ng galit ng isang matanda, nagawa naman niya.
"Hindi siya nakapag-worskshop. Nag-usap lang kami bago namin ginawa ang film," dagdag pa ng direktor.
GMA Films producer, Butch Jimenez believes that the film will catapult Cogie to superstardom.
Deathrow is an intense action drama na magpapakita ng nakakatakot na proseso ng lethal injection. Tinatalakay din nito ang problema tungkol sa mga kabataan na napupunta sa deathrow. Pinapayagan na ba ito? Hindi ba ang mga batang kriminal ay hindi napaparusahan ng kamatayan, sa repormatorya lamang sila inilalagay?
Kasama rin sa movie sina Jaclyn Jose at Angelika dela Cruz.
Bagaman at ang pelikula ay nagtatampok sa mga Streetboys bilang mga miyembro ng isang grupo ng magkakaibigan na ang layunin ay mapatunayan na talagang may multo at sa paghahanap nila ng mga ebidensya ay maililigtas nila ang mundo from total evil.
Sina Denise at Pamela ay miyembro rin ng Camera Club. Ang una ang lookout kapag naghahanap sila ng multo, ang ikalawa ay naghahanap ng kaluluwa ng kanyang namatay na kakambal.
Si Denise ay contract star ng Premier Productions. On loan lamang siya until the time na matapos niya ang kanyang kontrata.
Napapanood siya sa mga palabas ng ABS-CBN, lalo na sa Richard Loves Lucy na kung saan naipapamalas niya ang kanyang galing sa comedy.
Si Pamela naman ay nakasama sa unang batch ng Star Circle. Hindi nagkasundo ang mother niya at ang ABS-CBN kaya tumigil siya. Four years siyang walang ginawa kundi mag-aral at gumawa ng commercials. Ngayong nagbalik siya at may limang taong kontrata sa Dos, ibi-build up nila siya sa mga wholesome roles. No sexy roles for her. As long as wala siyang ipapakita, walang tutol ang kanyang parents sa kanyang piniling trabaho. Otherwise, patitigilin nila siya. Hindi lang ang parents niya ang nag-aalala na sa roles na tatanggapin niya kundi maging ang Iglesia ni Kristo, ang relihiyon na kinaaaniban niya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended