Sa Sugo ng Tondo topbilled by Joko Diaz, romansa at aksyon naman ang sinabakan niya. Wala siyang arte sa pagpapaseksi. Palibhasa, may katawan at maipagmamalaking dibdib, walang problema nang kunan ang mga love scenes nila ni Joko.
"Lalaking lalaki kasi ang dating ni Joko at marunong siyang umalalay pagdating sa mga maseselang eksena. Feeling ko nga babaeng babae ako kapag kasama siya," pahayag ni Maureen.
Palabas na ang Sugo ng Tondo na tinatampukan din nina Patricia Javier at Raymond Bagatsing.