Walang malungkot na Pasko si Joko
December 16, 2000 | 12:00am
Pinasyalan ko si Joko Diaz noong Lunes para sa interbyu tungkol sa Pasko. "Dito pa rin ako sa Pilipinas magpa-Pasko, probably, sa girlfriend ko sa Batangas City," sabi niya sa bahay ng kanyang pamilya sa Barangay Kapitolio, Pasig City.
Kagagaling nga lang niya sa Batangas nang gabing iyon at nauna na siyang ininterbyu ng RPN 9. "Wala akong plans pag Pasko, let things flow as it is. Ang pinakamasarap doon yung hospitality ng family ng girlfried ko. Well, sana nga, siya na yung babaeng makakasama ko habang buhay. I told her I was looking for someone because I am not really getting any younger. Hindi siya taga-showbis. Mas mabuti na yon kasi, bihira ang successful marriages among showbiz couples."
Ang pinakamasayang Pasko ng action star na bida sa Sugo ng Tondo ay noong 1997. "Kasi, kumpleto kami sa pamilya," lahad ni Joko. "Nandito kasi yung bunso kong kapatid na babae. Makita ko lang na nandito kaming lahat na magkakapatid, happy naman ako."
Walang malungkot na Pasko para kay Joko, dahil sabi niya, "Kahit may masamang mangyari, tinatawanan ko lang. Pag kinonsider mong pangit ang Pasko mo, wala na, pangit na talaga! Yung isang taon na araw-araw kang nakikipagbunuan sa buhay, tapos, yung isang araw ng Pasko, sisirain mo pa?
"Noong panahon na parang down ako, yung output ko nun time na yon, even before, I was never unhappy. I was never alone. I have always someone with me. I have never been malungkot. Never akong naging negative sa mga nangyayari sa buhay ko, kasi when I was a kid, I had rough days, much rougher days. Pero sana, wala na sanang magra-rough pa sa mga days na iyon. Ito yung time na wala akong trabaho dahil estudyante pa lang ako. Naranasan ko rin yung naranasan din ng ibang mga bata, sa labas palagi, tambay lang.
"Hindi pa ako nakaranas ng Pasko na naghirap kami, yung pamilya namin, wag naman sanang mangyari yung ganun. Siguro, kung mangyari yon, wala kami dito kung hindi nasa Parañaque."
Si Kris, 26, ang kapatid ni Joko na nasa America ngayon. "Kung dumating siya ngayon, mas maganda ang Christmas namin. Plano nga sana naming lahat, pumunta kami ngayong Pakso sa Washington. Kaya lang, magastos.
"Nagtatrabaho sa isang hotel ang kapatid ko. She used to work at the Mandarin there at ayoko nga sana siyang payagan magtrabaho doon. Pero sabi niya, masaya na raw siya roon. Eh nung nandito pa siya, pag birthday niya, kahit anong hilingin niya, ibinibigay ko. Pag gusto niya ng kotse, bigay ako. Pag gusto niyang magtayo ng business, the next day, may pang-business na siya."
Mahal na mahal ni Joko ang kapatid niyang si Kris. Bunso ito sa mga kapatid na babae. Pero siya (Joko) ang pinakabunso sa apat na magkakapatid. Twenty-four siya at talagang silang dalawa ni Kris ang magka-vibes. Yung dalawang nauna, sina Joanna at Cheska, ay medyo malayo na ang agwat ng edad sa kanila. "Hindi ako lumaking spoiled dahil ako yung nag-iisang lalake at pinakabunso talaga. Ako nga yung taga-bigay sa kanila. Hindi naman kasi maibibigay lahat ng father ko yung gusto nila. Pag may sobra akong pera, bigay palagi yon sa kanila."
Ayon kay Joko, ang makapagpapasaya lang sa kanya sa Pasko ay ang mga kapatid niya, kumpleto sila, at ang tatlo niyang mga anak. "Kaya pa namang bilangin ng daliri ang bilang ng mga anak ko," sabi niyang natatawa.
Dalawa ang anak ni Joko kay Apples, sina Josh, 7 at Gabriela, 2. Si Nicole ang nag-iisang anak niya kay Angelu de Leon. "Actually, parehong magtu-two years old na sina Gaby at Nicole," impormasyon ng aktor. "Halos magkasabay silang ipinanganak."
Walang alitan sa pagitan nina Apples at Angelu. "Nag-uusap naman sila," ani Joko. "Minsan, yung tatlo ko ngang mga anak, nagkikita-kita sa isang childrens party. Nagagawa ko namang magkita-kita ang mga anak ko together with their own mothers. They are on speaking terms.
"Kahit nga itong girlfriend ko ngayon, nagkakausap na sila ni Angelu. Nung nasa Japan nga ako noon, pagbalik ko, hindi ko alam na nagkakausap na sila."
Ayon kay Joko, sakaling magkasama silang dalawa ni Angelu sa isang pelikula, walang problema sa kanya. "Magiging opportunity ko pa iyon na palagi kong pang makikita ang anak ko sa kanya. Sports lang, kung magkakasama kaming muli sa pelikula."
Mula ba noong magkahiwalay sila at magbalik-pelikula si Angelu, may napanuod na ba si Joko kahit isa rito gaya ng Bulaklak ng Maynila, Jamias, Barako ng Maynila, Bukas na Lang Kita Mamahalin at Abandonada?
"No, I dont . . . no, I mean, I dont really talk about her already. Kasi, everytime na lang na I see the papers, palagi na lang, Joko na naman, Joko na naman! My point is, everytime you see, everytime you ask, nakabuntot na lang lagi ang pangalan ko sa kanya. I make it a point na heto, nagpapainterbyu ako, pero kung ayaw nyo na hindi siya isama sa usapan, wala akong magagawa. I mean, I just dont want to talk about her anymore," sabi ng action star na iba na ang tono ng tinig.
So, Joko, masaya ka na ba sa buhay mo ngayon? "Masayang-masaya, napakasaya! Nakikita ko ngayon dito sa bahay na masayang nag-uusap ang nanay at tatay kong ganyan, ayos na sa akin yan! Loveteam ko yang dalawang yan. Parang Guy and Pip yang dalawang yan."
Balik na naman sa "love" niya ngayon, yung dilag na taga-Batangas. Paano sila nagkakilala? "Its a long story. Its a ten-year story. Time pa ng pelikulang Batang City Jail ko siya nakilala. Nakilala namin siya at yung mga pinsan niya, kami nina Kempee de Leon noon. This year, napadaan ako sa restaurant nila sa Batangas City, nagkataon, nasa Maynila siya. But starting August, nagkikita na kami. The relationship is a commitment already. And now, I am looking forward to spend my Christmas with her and her family. Mahilig talaga ako sa simpleng babae."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended