Patrick bounces back
December 16, 2000 | 12:00am
All praise ang mga kapatid ko sa hanapbuhay na nakapanood ng Sugatang Puso ng Regal Films. Maganda raw, nakakaiyak. Unfortunately I was not around to witness the preview of the film kaya nakinig na lamang ako sa mga papuri nila. Si Lorna Tolentino, hindi na kataka-taka na maging magaling. Mas magtataka pa nga ang mga manonood kapag naging so-so lang ang acting niya. She has been consistently good sa trabaho niya.
Ang ikinagulat nila ay ang pagiging exceptionally good ni Patrick Garcia. But then, "Hindi ba dati na siyang magaling?" sabi ko. Buti na lamang at humabol siya. Matatapos na ang taon. People have almost forgotten how good an actor he is. Kaya nga marami ang nanghihinayang na parang nag-slide down siya. Mabuti na lamang ang nagawa ni director Joey Javier Reyes na mapalutang muli ang kanyang galing sa pag-arte.
Sugatang Puso is about two families and two sons who changed each other’s lives drastically. Kasama pa rin pala sa movie ang magaling ding si Carlo Aquino bilang anak ni LT sa isang previous marriage. Stepbrothers sila ni Patrick na anak naman nina Christopher de Leon at Cherie Gil. Nagdaranas siya ng kakulangan sa guidance at pagmamahal ng magulang. Idagdag mo pa ang nadarama niyang emotional at physical abuse mula sa kamay ng boyfriend ng kanyang ina.
Bahagi rin ng cast sina Jodi Sta. Maria at Anna Larrucea, mga kasamahan ng dalawang batang aktor sa Talent Center.
Artista na rin sa pelikula ang paboritong Senador ng bansa at isa sa pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino, si Senadora Loren Legarda.
Sa kabila ng pangyayaring dumalo siya sa presscon ng kanyang debut film na pinamagatang Markova: Comfort Gay in a formal long gown na ginanap sa Café Valencia ni Mother Lily Monteverde, walang na-intimidate sa kanya. Malambing siya sa kanyang mga interviews at matapat ang mga sagot sa mga katanungan ng entertainment press. Nevertheless, nagpaliwanag siya na she was not in her usual attire, nag-ninang lamang siya sa isang kasal.
Ipinagmamalaking sabihin ng Senadora na isa siyang tagahanga ng hari ng komedi na si Dolphy kaya hindi na siya nag-atubili na tanggapin ang inaalok nitong papel sa kanya sa Markova.. Bukod dito ang cause ng mga comfort gay and women ang isa sa mga itinataguyod niya sa Senado. Ginagampanan niya ang kanyang sarili sa movie, isang journalist na kumausap kay Markova.
Hindi pa masagot ng Senadora kung gagawa pa siyang muli ng pelikula pero si Mother Lily ay interesado na i-launch siya sa isang solo movie in the future.
Bukod kay Dolphy, tampok pa rin sa movie na dinirihe ni Gil Portes mula sa istorya ni Doy del Mundo ang apat na anak ni Dolphy, sina Eric, Jeffrey, Freddie at Ronnie.
Ekonomiya ba ang pangunahing problema ng bansa?
Ewan ko pero, sa palagay ko ay ang trapiko ang nagbibigay ng inis, kalungkutan at malaking problema sa mga tao ngayon.
May pera ka nga kung hindi ka naman makapunta ng madali sa pupuntahan mo, paano ka makapamimili at makakaraos ng Pasko?
I was supposed to go to QC yesterday pero mahigit isang oras na hindi umandar ang taxi na sinasakyan ko. Ang ginawa ko ay bumaba na lamang ako, naghanap ng pedicap who brought me to my office in Port Area for the sum of P80. Ito lang ang hiningi niya pero, binigyan ko ng P100 at hindi ko na kinuha ang sukli. Para naman siya magpedal from Binondo to Port Area passing through Sta. Cruz Bridge. Kitang kita ko ang hirap niya kaya hindi na ako humingi ng sukli. Kung pwede lang sana akong pumunta ng QC na naka-pedicab, eh, di sana wala na akong problema. Mabait pa yung pedicab driver ko. Di paris ng maraming taxi driver na walang puso na kung makapag-presyo, akala mo driver sila ng limousine!
Talaga bang wala kaming proteksyon, kaming mga commuters, sa mga mapagsamantalang cab drivers? In many ocassions, napansin ko na bumalik na naman ang mga madadayang metro. Paano ba ito malulunasan?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am