Dolphy sa 'Startalk', Assunta sa 'Kakabakaba'

Bukas, Sabado ng hapon, kalimutan muna ang siesta dahil garantisadong gugulong kayo sa kakatawa sa handog ng Startalk (2:30 p.m.). Sa kauna-unahang pagkakataon, ang Hari ng Komedya, si Dolphy at ang Sex Goddess ng Pilipinas, si Rosanna Roces ay maghaharap. At ang resulta: walang prenong balitaktakang di malilimutan.

At sa gabi naman, huwag palalampasin ang Kakabakaba (7:00 p.m.) kung saan makikita ang teen sex bomb na si Assunta Da Rossi sa "pinaka-pangit" niyang role. Gaganap siya bilang si Ellen, isang dalagitang kinukutya ng kanyang mga kaklase dahil sa sobra niyang kapangitan.

Pero nang kaibiganin siya ng isang nuno at bigla siyang pagandahin nito, lahat ng lalaki sa campus nila, pati na yung crush ng bayan ay nagkandarapa sa kanya. Ang problema, isang dosena mang lalaki ang manligaw sa kanya, bawal siyang ma-inlab kaninuman sa kanila. Ito ang kapalit ng regalo sa kanyang kagandahan. Abangan kung anong kapalaran ang naghihintay sa kanya bukas ng Sabado sa GMA.

Show comments