Nilinaw ng magandang singer ang intrigang kumakalat na kung sila’y pakakasal ng nobyong si Konsehal Dingdong Avanzado ay baka siya pa ang gumastos sa kanilang kasal. Sinabi niyang may kaya naman sa buhay ang kanyang nobyo at never na siya pa ang gagastos sa kanilang kasal.
Hindi pa rin siya sigurado kung papasok sa pulitika kahit marami ang kumukumbinsi sa kanya. Prioridad pa rin niya ang kanyang singing career at pagma-manage ng kanyang Phenomenal Entertainment katulong ang kapatid na si Rey.
Stable pa rin ang relasyon nina Jessa at Dingdong at kahit may mga negatibong write-ups tungkol sa kanila ay mainit pa rin ang pagtanggap sa mag-nobyo kahit saan sila magpunta.