Joyce, naalala ang nakaraan nila ni Jay

Matapos ang ilang taong hindi pagsasama sa pelikula after their most controversial split, muling nagkita sina Joyce Jimenez at Jay Manalo sa ginagawa nilang pelikula para sa Viva Films, ang Balahibong Pusa. There were awkwards moments nung una dahil hindi lamang sila basta magkasama sa movie, may mga love scenes pa sila.

At huwag nating kalilimutan na hindi maganda ang naging paghihiwalay nila.

Paano nila nagawa ang kanilang mga eksena?

"It was not easy. We had to have time para ma-accustom namin ang aming mga sarili. It didn’t take long," pambungad ni Joyce na seksing seksi ngayon, having shed 20 lbs. just by not dieting. "It was hard when I was dieting, mas lalo akong tumataba. When I decided not to diet, ayun, pumayat ako," pagmamalaki niya.

How does she find Jay now?

"He has matured. Professionally, he is better kahit minsan ay na-late siya sa aming pictorial. He is not moody that much anymore. He has changed to be a better person.

"Masaya yung love scenes namin. After we started talking, everything just fell into place, we became comfortable."

May na rekindle ba ang mga romansa nila sa pelikula?

"Ako, I remembered how we were before. Yun and naalala ko pero, hindi ako na-turn on."

Is she aware na nawala ang career ni Jay after their separation and that pwede na siya ang magbalik nito sa pagpayag niyang magkasama silang muli?

"Kahit hindi siya, I’m willing to help. After all, he’ll always be a part of my life. I will always remember him no matter where I am.

"I will always be thankful to him. He made me the person that I am now, he made me stronger and more mature. Kung hindi sa kanya, I would have gone back to the States.

"In fairness, we had good times. In his own way, he was a sweet person. He took care of me and made me special," patuloy niya.

Bukod kay Jay kasama rin nila sa movie sina Rica Peralejo, Elizabeth Oropesa at Julio Diaz. Isang baguhan ang direktor ng pelikula, si Yam Laranas.
* * *
Parang may magandang bukas na kinakaharap ang local music industry, hindi lamang marami ang nag-i-invest dito sa pamamagitan ng paglalabas ng mga album, marami ring mga baguhang singer ang nabibigyan ng pagkakataon na gumawa ng album. Gaya ng Global Records na pinamumunuan ni Leo Gamolo at first artist nila na si Teresa Morales.

Talaga sigurong magaling na singer si Teresa para pagkatiwalaan siya ng isang bagong recording outfit ng isang album at simulan ito sa pamamagitan ng paglalabas ng isang single na isang awitin na ginawa at unang pinasikat ni Freddie Aguilar, ang "Kumusta Ka".

Ipinanganak sa San Jose, Del Monte, Bulacan pero, lumaki sa Dumaguete City ang avid fan na ito nina Sharon Cuneta at Celine Dion.

Unang naiisip ng mga nakakausap ni Teresa ay kung bakit pagsi-singer ang pinasok niya gayong pwedeng pwede naman siya sa pelikula. Sa ganda ng kanyang pangangatawan ay marami siyang sexy stars na patutulugin kapag nag-artista siya.

"Baka po in the future, pag may pangalan na ako pero, sa ngayon gusto kong makilala bilang isang mang-aawit," sabi niya.

Mga magagaling na composer ang gumawa ng mga awitin niya - sina Mon del Rosario ("Huwag Kang Aamin" , "Only You Can Make Me Cry"), Nonoy Tan ("Kwentong Rock n Roll", "It’s Over", "Ang BF Kong Alien", "Sino Ba Sa Amin?") at ang producer ng album na si Vehnee Saturno ("Nang Sabihin Mo", "Muli’y Binuhay Mo", "Ba’t Di Mo Sinabi").
* * *
Ngayong may malaking pangalan na siya sa ibang bansa bilang isang concert artist, lalo na sa bansang Hapon, naisip ni Emma Cordero na dito muna mag-concentrate at ipakita sa kanyang mga kababayan kung ano ang nagustuhan sa kanya ng mga foreign audiences.

Nung Disyembre 11, napanood siya sa isang bonggang palabas sa Downtown Bar ng Rembrandt Hotel, kasama ang nakakabatang kapatid na si Florie Boy bilang guest performer. Ito ay isinagawa ng Manila Sunrise Lions Club na pinamumunuan ni Joven Guinto. Myembro dito si Emma.

Sa Dis. 16, magiging hurado siya sa C&D, Tagisan ng Talino sa Marawi City. Sa Dis. 19, babalik siya ng Japan para sa isa pang singing engagement. Dun na rin siya magpa-Pasko.

Show comments