ST actor, iginarahe ng gf
December 11, 2000 | 12:00am
Noon ay sunud-sunod ang pelikula ng ST actor na ito sa tulong ng kanyang manager. Guwapo naman ito, bata at malakas ang sex appeal kaya marami ang nagkakagusto sa kanya.
Pero mayroon siyang madatung na non-showbiz girlfriend. Dumating sa punto na nag-lay low ang mga bold movies kaya dumalang ang mga offer sa kanya (ST actor). Dahil walang offer, naisipan ng rich na nobya na ibahay na lang siya, siya ring gumagastos ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Okey din naman ito sa kanyang nobya dahil selosa ito at hindi makayanan na manood ng maiinit na eksena ng nobyong ST actor katambal ang mga seksing leading ladies.
Ang aktor ay alaga ng isang kontrobersyal na manager at madaling nakagawa ng pangalan.
Dalawa ang magiging entry ni Lorna Tolentino sa darating na Metro Manila Film Festival. Isa ang Sugatang Puso at The Ping Lacson Story.
Nagsabi na ang magandang aktres na sasakay siya at magpapalipat-lipat sa dalawang karosa. Malaki ang tsansa ni LT na manalong best actress sa Gabi ng Parangal kung saan makakalaban niyang tiyak si Gloria Romero para sa Tanging Yaman.
Kahit pang-suporta lang si LT sa kanyang asawa sa Ping Lacson Story ay na-inspire ito lalo na nang malaman ang buhay na tiniis ni Alice Lacson dahil sa pagpapakasal nito sa isang mahusay at kontrobersyal na alagad ng batas. Nakaka-relate ang magaling na aktres sa papel na ginampanan dahil isa rin siyang ina at asawa sa totoong buhay.
Kung pumayag sanang lumabas sa bold movies noon ang dating beauty queen na si Precious Valencia ay sikat na sikat na sana siya. Pero hindi niya masikmura na maghubad kaya okey lang kahit naging madalang ang proyektong tinanggap nito. "Naniniwala ako na mas maganda ang magiging takbo ng career ko kung pipiliin ko ang mga proyekto ko kahit dahan-dahan lang ang tagumpay na matatamo ko. Magaganda naman ang mga project ko gaya ng mga Tatlong Puso, Iisang Pangarap ng Fame Entertainment at matitino ang mga pelikulang nagawa ko na gaya ng Bullet, Di Ko Kayang Tanggapin at Super Idol with April Boy Regino.
"Naniniwala rin ako na hindi pangmatagalan ang pag-aartista kaya I put up my own business na isang laundry shop (Suds & Foams) sa may Tomas Morato. I was encouraged by my friends na may-ari ng Lavandera Ko at pinag-aralan kong mabuti ang business at maganda naman ang kita kaya enjoy ako sa pag-aasikaso sa bagong negosyo."
Nakakwentuhan ko ang magaling na nobelista na si Pablo Gomez na siyang may katha ng said movie. Naitanong ko sa kanya kung bakit halos lahat ng kanyang ginawang pelikula at telenobela ay puro may katagang puso. Ilan sa mga ito ay Bakit Ba Puso, Kapag Puso ang Nag-utos, Ulilang Puso at Tatlong Puso, Iisang Pangarap. Ganito ang naging pahayag niya, "ang sekreto ng isang magandang kuwento ay yong may puso dahil malakas ang panghatak nito sa masa. Kahit nga ang mga action movies ay dapat ding may puso. Ganito ang gustung-gustong mga tema ni Fernando Poe, Jr. "
Sa January 25 ay 70 years old na siya. Noong 1981 ay dapat na mag-undergo si Pablo ng by-pass operation ayon sa kanyang doktor. Pero di niya sinunod at nag-ingat na lang siya. Idinaan niya ang lahat sa panalangin. Noong 1994 ay inatake na naman siya sa sakit sa puso at sinabihan uli ng doktor na magpa-by-pass operation na pero di natupad dahil kalahating milyon ang kanyang gagastusin at wala naman siyang ganitong kalaking pera. Idinaan na naman niya sa panalangin at pag-iingat sa sarili kaya ngayon ay normal ang kanyang kalagayan. Halos-araw-araw ay nasa simbahan ang sikat na nobelista.
Noong Nobyembre 24 ay nakatanggap siya ng karangalan mula sa Kayumanggi Awards na pinamunuan ni Prospero Luna bilang "Legendary Komiks Writer" kung saan nakasabay niya si Gob. Bong Revilla, Jr. na tumanggap din ng award para sa government service.
Kalahati ng kanyang buhay ay iniukol niya sa showbis at hanggang ngayon ay aktibo pa rin siya sa pagsusulat ng mga nobela na isinasalin sa pelikula.
Wala pa ring balak na magpakasal si Herbert Bautista. Tatlo ang anak nito sa magkaibang babae–dalawang babae at isang lalaki na ang gulang ay lima, apat at tatlo.
Pero mayroon siyang madatung na non-showbiz girlfriend. Dumating sa punto na nag-lay low ang mga bold movies kaya dumalang ang mga offer sa kanya (ST actor). Dahil walang offer, naisipan ng rich na nobya na ibahay na lang siya, siya ring gumagastos ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Okey din naman ito sa kanyang nobya dahil selosa ito at hindi makayanan na manood ng maiinit na eksena ng nobyong ST actor katambal ang mga seksing leading ladies.
Ang aktor ay alaga ng isang kontrobersyal na manager at madaling nakagawa ng pangalan.
Nagsabi na ang magandang aktres na sasakay siya at magpapalipat-lipat sa dalawang karosa. Malaki ang tsansa ni LT na manalong best actress sa Gabi ng Parangal kung saan makakalaban niyang tiyak si Gloria Romero para sa Tanging Yaman.
Kahit pang-suporta lang si LT sa kanyang asawa sa Ping Lacson Story ay na-inspire ito lalo na nang malaman ang buhay na tiniis ni Alice Lacson dahil sa pagpapakasal nito sa isang mahusay at kontrobersyal na alagad ng batas. Nakaka-relate ang magaling na aktres sa papel na ginampanan dahil isa rin siyang ina at asawa sa totoong buhay.
"Naniniwala rin ako na hindi pangmatagalan ang pag-aartista kaya I put up my own business na isang laundry shop (Suds & Foams) sa may Tomas Morato. I was encouraged by my friends na may-ari ng Lavandera Ko at pinag-aralan kong mabuti ang business at maganda naman ang kita kaya enjoy ako sa pag-aasikaso sa bagong negosyo."
Sa January 25 ay 70 years old na siya. Noong 1981 ay dapat na mag-undergo si Pablo ng by-pass operation ayon sa kanyang doktor. Pero di niya sinunod at nag-ingat na lang siya. Idinaan niya ang lahat sa panalangin. Noong 1994 ay inatake na naman siya sa sakit sa puso at sinabihan uli ng doktor na magpa-by-pass operation na pero di natupad dahil kalahating milyon ang kanyang gagastusin at wala naman siyang ganitong kalaking pera. Idinaan na naman niya sa panalangin at pag-iingat sa sarili kaya ngayon ay normal ang kanyang kalagayan. Halos-araw-araw ay nasa simbahan ang sikat na nobelista.
Noong Nobyembre 24 ay nakatanggap siya ng karangalan mula sa Kayumanggi Awards na pinamunuan ni Prospero Luna bilang "Legendary Komiks Writer" kung saan nakasabay niya si Gob. Bong Revilla, Jr. na tumanggap din ng award para sa government service.
Kalahati ng kanyang buhay ay iniukol niya sa showbis at hanggang ngayon ay aktibo pa rin siya sa pagsusulat ng mga nobela na isinasalin sa pelikula.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
16 hours ago
16 hours ago
Recommended