90% ng movie ng bagong produ, kinunan sa US
December 10, 2000 | 12:00am
Isang baguhang independent movie producer, si Jessie Pangilinan ng FAME Prods., ang gumawa ng isang local movie na halos sa US lahat kinunan, mga 90 porsyento. Ito ang pelikulang Tatlong Puso, Isang Pangarap.
Hindi lamang ito, baguhan din ang lead star niya, si Ira Luna na marami ang hindi nakakakilala. Never heard din ang bidang lalaki na isang Amerikano.
Pero, sa malas, ay hindi ito ang pokus ng movie kundi ang magandang istorya ni Pablo Gomez, tungkol sa tatlong magkakaibigan na seksi na may iisang pangarap, ang makapunta ng Amerika. Nagkaroon naman ito ng katuparan pero, sa US, naranasan nila ang lahat ng hirap at pasakit sa buhay, katawan at sa puso. Pero, dahil feel good movie, matapos ang mga pagsubok, nakita nila ang swerte at silang tatlo ay naging maligaya sa buhay.
"Maraming local producers ang gumagawa ng movies sa abroad pero, kami lamang ang talagang kumuha ng permit, may permiso kami para mag-shoot dun," pagmamalaki ni Ginoong Pangilinan.
Nasa post production na ang pelikula na may maagang December playdate.
Kasama rin sa movie si Precious Valencia.
Nagkaroon kami ng magandang pagkakataon nina Salve, Letty, Len, Dindo, Emy at Chit na maimbitahan ng aming kaibigang si Cristina Romualdez nee Gonzales sa isang dinner sa isang 5 star hotel at nakasama namin ang dalawang anak ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, sina Imee at Bongbong at ang ilang mga dating myembro ng Gabinete nito. Narun din sina Senador Juan Ponce Enrile at Kit Tatad, Congressmen Alfred Romualdez na nakatulong nina Imee at Bongbong sa pag-oorganisa ng affair at Jose Mari Gonzales at marami pa.
Wala namang naging layunin ang pagtitipon kundi ang mapag-isang muli ang mga dating associates at official family ng deposed president para makabuo ng isang Third Force, a better force, hindi pro o anti-ERAP, para hamunin ang mga may kapangyarihan na sumisira sa kahalagahan at nobilidad ng mga Pinoy sa pamamagitan ng kanilang masamang gawain at ehemplo. Masaya ang naging kaganapan. Pinalakpakan ang mga speeches nina Sen. Enrile at Ret. Gen. Echevarri na nagsalita tungkol sa ginaganap na Impeachment proceeding against President ERAP. Naging kapansin-pansin lamang na dahil marami sa mga dumalo ay mga senior citizens na, nakatulog ang marami sa haba ng speech, lalo na ni Sen. Tatad.
Naghuhumiyaw ang beauty ni Allona Amor sa kanyang latest movie na may ganito ring pamagat under El Niño Films Prods.
Katulad ng mga nakaraan niyang movies ay may mga baring scenes at love scenes siya sa movie katambal sina Fernando Montenegro at Paolo Rivero.
Isa naman siyang Igorota dito at ang mga locations na ginamit ay Bayombong, Nueva Vizcaya, Banaue at Baguio.
Isa si Allona who has been consistent in her films. Wala siyang pagpapalit ng image na iniisip unlike other bold stars.
"Mas pabor sa akin kung bababa ang bilang ng mga magbu-bold. Dadami ang movies ko. Trabaho lang naman ito," sey niya.
Hindi lamang ito, baguhan din ang lead star niya, si Ira Luna na marami ang hindi nakakakilala. Never heard din ang bidang lalaki na isang Amerikano.
Pero, sa malas, ay hindi ito ang pokus ng movie kundi ang magandang istorya ni Pablo Gomez, tungkol sa tatlong magkakaibigan na seksi na may iisang pangarap, ang makapunta ng Amerika. Nagkaroon naman ito ng katuparan pero, sa US, naranasan nila ang lahat ng hirap at pasakit sa buhay, katawan at sa puso. Pero, dahil feel good movie, matapos ang mga pagsubok, nakita nila ang swerte at silang tatlo ay naging maligaya sa buhay.
"Maraming local producers ang gumagawa ng movies sa abroad pero, kami lamang ang talagang kumuha ng permit, may permiso kami para mag-shoot dun," pagmamalaki ni Ginoong Pangilinan.
Nasa post production na ang pelikula na may maagang December playdate.
Kasama rin sa movie si Precious Valencia.
Wala namang naging layunin ang pagtitipon kundi ang mapag-isang muli ang mga dating associates at official family ng deposed president para makabuo ng isang Third Force, a better force, hindi pro o anti-ERAP, para hamunin ang mga may kapangyarihan na sumisira sa kahalagahan at nobilidad ng mga Pinoy sa pamamagitan ng kanilang masamang gawain at ehemplo. Masaya ang naging kaganapan. Pinalakpakan ang mga speeches nina Sen. Enrile at Ret. Gen. Echevarri na nagsalita tungkol sa ginaganap na Impeachment proceeding against President ERAP. Naging kapansin-pansin lamang na dahil marami sa mga dumalo ay mga senior citizens na, nakatulog ang marami sa haba ng speech, lalo na ni Sen. Tatad.
Katulad ng mga nakaraan niyang movies ay may mga baring scenes at love scenes siya sa movie katambal sina Fernando Montenegro at Paolo Rivero.
Isa naman siyang Igorota dito at ang mga locations na ginamit ay Bayombong, Nueva Vizcaya, Banaue at Baguio.
Isa si Allona who has been consistent in her films. Wala siyang pagpapalit ng image na iniisip unlike other bold stars.
"Mas pabor sa akin kung bababa ang bilang ng mga magbu-bold. Dadami ang movies ko. Trabaho lang naman ito," sey niya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended