Dalawang pelikula pa ang nakatakdang gawin ni Piolo. Ang isay Asensado at ang isa naman ay experimental movie. Ayon kay Lou, kapag nagsisimba sila sa Baclaran ni Piolo ay naluluha ang aktor dahil hindi niya sukat akalain na humirit nang husto ang kanyang career. Sabi nga nito sa manager, "Nakakatakot sa itaas. Ayokong mag-isa dahil baka layuan ako ng mga kaibigan ko at kabarkada dahil sinasabi nilang sikat na sikat na ako. Wala pa rin akong pagbabago at kailanman ay hindi mag-iiba ang aking ugali," anya.
"Ano ang ginawa mo sa iyong premyo? Yong 100,000 ay inilagay ko sa time deposit at yoong 200,000 ay ginamit namin sa tuition fee naming magkapatid. Excited na ako na maging isang kapamilya ng GMA 7," aniya.
Bata pa ay magaling na siyang umawit at nagmana ng magandang tinig sa kanyang ina. Nanalo na si Anna sa inter-university singing competition sa Far Eastern University bilang grand prize winner. Dito rin siya nag-aaral at kasalukuyang nasa ikalawang taon ng Mass Communications.
Nakalabas na rin siya sa FEU theater guild sa stage play na "Once In This Island".
Ang ikinalulungkot lang ni Anna ay hindi nila kapiling ang ama kung saan hiwalay na ito sa kanila sapul nang apat na taong gulang siya. "Siguro kapag nalaman niya ang tagumpay kong natatamo ay baka maligayahan din siya gaya ni mommy. Masaya naman kami ng aking ina at kapatid kahit hindi ko nakikita ang aking daddy," pahayag pa nito.
Itinuturong dahilan ay ang kahigpitan ng bagong comptroller ng kompanya.
Imbyerna na ang isang sikat na aktor dahil sa pabalik-balik na paniningil ng talent fee na hindi naman kalakihan. May alam din kaming isang executive na nag-resign na dito.
Sabi nga nila ay baka masira ang magandang reputasyon ng kompanya dahil sa kahigpitan ng comptroller na ito.