"Mula nang malaman ko na maraming pumuri sa acting ni Carlos sa Laro sa Baga, nabalitaan ko na lang na may pinakukulong project sa aming dalawa," pagbabalita ni Via noong isang linggo. Needless to say, mga kritiko rin ang pumuri sa acting ni Via sa Saranggani ilang buwan na ang nakararaan.
Ayon kay Via, komportable siya kay Carlos dahil pamilyar na sa kanya ang binata mula pa nang halos magsabay silang pumasok sa pelikula. Si Carlos ay nagsimula muna sa supporting role noong 1997 samantalang sa taon ding iyon, si Via ay bida na agad sa Isla (the young version), ni Celso Ad Castillo.
"Nagtiyaga din si Carlos na marating ang tagumpay bilang aktor, di ba? At least ngayon, pambida na talaga siya. Kaya nga nang magkita kami sa story conference, kinongratulate ko siya sa praises sa mga papuri sa kanila ni Ara Mina."
May mainit na love scenes din sa bagong movie ni Via  silang dalawa ni Carlos. "Part naman lagi ng movies ko yung may love scene kaya sanay na ako diyan," sabi ni Via. "Pero at least, kay Carlos, kampante ako gaya ng isa pa naming kasamahan sa Philmoda, si Allen Dizon."
Maging paborito rin kayang leading man ni Via si Carlos gaya ni Allen na nakasama na niya sa maraming pelikula? "Depende, kung masusundan pa ng ibang projects na kaming dalawa ang magkapareha," sagot ng aktres na lalong humuhusay sa pag-arte habang nagtatagal.
Sa kasalukuyan, malapit nang ipalabas ang Bala Ko... Bahala Sa ’Yo na pinagtatambalan nina Via at Jeric Raval. Ito yung dating Tubog sa Apoy at magaganda naman ang sinasabi ng aktres kay Jeric. "Isa siya sa mga action stars na dinidibdib din ang pag-arte. He doesn’t take advantage in our love scenes sa pelikula. Actually, wala pa namang nag-take advantage sa akin sa mga love scenes ko sa nagawa kong pelikula, dahil oras na gawin nila yon sa akin, sampal ang aabutin nila!"
"Kissing scenes lang po pero nakikita ang boobs ko," sabi ng mahiyaing baguhan. At nahirapan ba siya kay Ace gaya kay Jestoni? "Medyo nasanay na rin po ako. Gentleman naman po si Ace gaya ni Jestoni. Iba kasi pag ang ka-love scene, action star kaysa kung bold actor. Pag bold actor ang kaeksena, ibang klase, okay maghubad. Ang mga action stars, ayaw nilang maghubad. Yon ang kaibahan nila."
Sino ang mas masarap humalik, si Ace o si Jes? "Hmmm," ninamnam muna ni Tara ang sasabihin bago nagsalita. "Pareho lang po silang masarap humalik. Tamang-tama lang, hindi naman torrid as in grabe kung idiin ang lips sa akin. Okay lang."
Plano ni Tara na bigyan lahat ng regalo ang kanyang mga kapatid ngayong Pasko. "Kasi, in the past, sila ang nagbibigay ng gifts sa akin. Pero ngayong ako naman ang kumikita, ako naman ang magsi-share ng gifts sa kanila. Eh hindi po ba, ang diwa ng Pasko ay pagbibigayan?"
Wala ba siyang ireregalo sa kanyang boyfriend? "Malabo po yan, kasi wala naman akong boyfriend. Nung nasa high school ako, may nanliligaw pero hindi naman serious yon."
Eh di ang ibig sabihin, mas nauna pa siyang nakaranas ng halik sa pelikula kaysa sa tunay na buhay? "Totoo po yon, kasi, virgin pa ako," diin niya. "Syempre, ang gusto ko sana, yung magkaroon muna ako ng karanasan sa tunay na buhay bago sa pelikula. Pero iba nga ang nangyari. Kaya nga masuwerte sina Kuya Leo Rabago, Jestoni at Ace dahil sila ang unang nakatikim ng lips ko, kumbaga sila yung unang naka-iskor."
May nabasa kaming intriga na kaya raw kinuha si Tara sa pelikula ngayon dahil mura lang kasi ang talent fee niya? "Well, I think yung manager ko na lang, si Tito Jojo Veloso, ang tanungin nila tungkol diyan. I don’t think na papayag si Tito Jojo na bayaran ang beauty ko ng mura," mataray na pagtatapos ni Tara.