^

PSN Showbiz

Ice skating champ, interesado sa pelikula

-
"Kahit magtrabaho ako ng libre kay Daboy, okey sa akin," sabi ni Trovador Ramos, Jr. sa isang one-on-one interview sa Virgin Cafe, Martes. Noon ko lang nakita nang harapan at makausap ang aktor na nagmula kung saan at madaling nakagawa ng pangalan sa larangan ng pelikula.

Good cop ang papel ni Trovador sa pelikulang The Ping Lacson Story at kung pisikal na kaanyuan lang ang magiging batayan, mas hawig si Trovador sa PNP Chief kaysa kay Rudy Fernandez, sa totoo lang.

Ni wala sa credit titles ang pangalan ni Trovador gayong nagbibida na siya sa ilang pelikula gaya ng Burador at Eskort. "I don’t mind the billing at all as long as I did justice to my role," patuloy niya.

Habulan sa playdate ang nangyari kasi. Akala ni Trovador, mas mauunang ipalabas ang Ping Lacson at nang malaman niyang pang-Metro Manila Filmfest pala ito, napilitan siyang ipasok agad ang Eskort.

Galing sa pamilya ng mga blackbelter si Trovador. Pag ikinukumpara siya sa kanyang ama, mahinahon siya. "My father’s knowledge and skills in martial arts is a gift from the above. He is gifted. Sa akin, acquired. Pinipilit ko kung ano man ang gusto kong makuha although I’m not perfect."

Bilang eight-degree blackbelter, malayo pa ang agwat ni Trovador sa kanyang ama na naka-14 degree blackbelt na. "Sana ma-reach ko yon pero palagay ko, di na ako aabot pa dahil mahirap talaga."

Ang legendary na si Bruce Lee ay sumailalim sa training sa martial arts noon kay Trovador Sr. Iyon ang isang achievement ng ama na mahirap tapatan ng anak.

Hindi siya naninigarilyo. Hindi rin siya umiinom ng alak. "Pag nasa party ako at binibigyan ako ng alak, hinahawakan ko lang ang kopita, sip nang konti, pakita lang at order agad ako ng tubig."

Ang 28-anyos na action star ay kasal kay Norma Lirio at may dalawa na silang anak, sina Jamie Lirio, 8-taon gulang at Jillian, sanggol pa lamang. Pinag-aartista na rin ng mag-asawa ang panganay nila. Nominated nga sa FAMAS best child actress, Desperado, ang bata kamakailan. Parehong babae ang anak ng poging aktor. "Hindi ko na inilihim pa na may asawa at mga anak ako," pagtatapat ni Trov. "Very open ako sa press at naniniwala akong magiging liability ko pa yon kapag itinagu-tago ko pa. Kaya tingnan mo, hindi ako nili-link, kasi I go straight with my job."
*****
Isa sa dagdag na talent stars ni Boy Abunda ng Backroom Inc. si Irina Feleo, anak nina Laurice Guillen at Johnny Delgado. Pangarap din ni Irina na pasukin ang pelikula at pag nagtagal, gusto rin niyang pagdaanan ang pagiging aktres at direktor katulad ng kanyang ina. "I guess that runs in the blood. I come from a clan of showbiz artists," sabi ng katorse-anyos na teenstar na ngayon ay kilala bilang mahusay na ice skater.

Nagsimula si Irina na subukin ang pagi-skating sa mga malls na may ganitong offer gaya ng skating rink sa SM Megamall noong siyam na taong gulang pa lamang siya. "Nung una, I just want to have fun. Pero habang nagtatagal, pag pinaghuhusayan mo, your goal changes."

Nang magkaroon ng First National Games sa larangan ng skating, nitong June, itinanghal na gold medalist si Irina. "Syempre, tuwang-tuwa ako. Who will not be? Very supportive naman ang magulang ko sa hilig ko. Natutuwa sila sa achievements ko."

Wala namang yelo sa Pilipinas kundi yung artificial ice lamang na nagagawa ng makina sa malls pero ang kakaibang katangiang ito ang nagbibigay-aliw at sigla sa sinumang gustong mag-skating sa yelo. "There is a feeling of illusion that your place rain with snow once you begin gliding on this sprawling sheet of ice. Ibang klaseng kasiyahan dahil wala namang snow sa Pilipinas. Kaya siguro maraming Pinay na ang gagaling mag-ice skate, aside from being good dancers and performers."

Maraming natutunan sa buhay si Irina at ang kanyang ate nang isama sila ng magulang nila sa paglilibot sa buong Pilipinas para palaganapin ang salita ng Panginoon Hesus sa intercession ni Mama Mary. "Kinalimutan ng family ko ang material comforts dahil sa tawag ng mission sa kanila. Mas may mabubuting bagay na alok ang buhay aside from material things, like spiritual achievement. Kaya pag nagi-skate ako, I do it for Him, our Lord Jesus Christ. Lagi akong nagpapasalamat sa Kanya sa talent na ibinigay Niya sa akin at sa pagkakaroon ng isang supportive family."

Nitong magwagi si Irina sa National Youth Games, ang Ice Skating Institute o ISI ay binigyan siya ng Freestyle 8 Rating at ngayon ay inihahanda niya ang sarili na ma-achieve naman ang Freestyle 9 Rating na syempre pa, mas mahirap at kailangan ng tiyaga at focus. Kaya nga sa ngayon ay nagti-training siya sa America sa ilalim ng US-based national champion Sashi Kuchiki.

AKO

BACKROOM INC

BOY ABUNDA

BRUCE LEE

IRINA

KAYA

PILIPINAS

SIYA

TROVADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with