Regular silang napapanood sa Master Showman ng GMA-7 tuwing ikalawang Sabado, 11:00 n.g. at ASAP, Linggo, ABS-CBN, 12:00 ng tanghali.
Nagsimula sa wala pero ngayon ay lilima na lamang ang miyembro ng grupo.
Ang mga natira ay sina Nicko Sandoval, Paolo Gabriel, Lance Andrada, Angelo Miguel Calibara at Archie Alemania.
Isa sa limang ito ay sinasabing masugid na manliligaw ni Isabel Granada.
Pero, alam kaya ni Isa na may kasabay siya na nililigawan ng isa sa grupo at ito ay isang bold starlet?
Interesting ang show. Maraming katanungan na alam ko ang sagot bagaman at marami rin ang hindi. Kaya siguro hindi ko pa matanggap ang alok sa akin ng Viva na maging isang contestant dito. Takot ako na baka ang matapat sa akin ay mga katanungang hindi ko alam ang answers. Ayaw kong matawag na bobo dahil hindi naman, kaya lang marami akong alam nun na nakalimutan ko na ngayon.
Excited ako kapag nanonood nito. Pero, disappointed din ako kapag hindi nasasagot ng contestants ang mga katanungan. Mayro’n naman na nakapagbigay na ng sagot, pero nagpapalit ng answers dahil lamang na-confuse sila sa game master na si Christopher de Leon.
Given more time, Boyet can become a better host kaya lamang napapansin ko na madalas kulang siya ng adrenalin, parang kulang sa sigla. Dahil kaya may nerbyos pa rin siya?
Anyway, happy ako sa mga nakapag-uwi na ng pera. Gaya ng first big winner ng P100,000.00 na si Mark Carlos, isang mag-aaral ng TUP na ang panalo ay gagamitin niya sa pagpapagamot ng kanyang guardian at sa pagbili ng isang personal computer. I cheered for him.
Kung ako ay tumangging maging contestant, huwag n’yo akong gayahin. Madali lamang maging contestant. Tumawag lamang sa PLDT 1-908-1-000000. Sampu ang pipiliin ng computer. Lahat sila ay dadalhin dito sa Maynila at itutuloy sa Traders Hotel. Wala silang babayaran. Bibigyan pa sila ng makakasama. Matalo man sila sa contest, nakapagbakasyon na sila ng libreng millionaire vacation. Type, di ba?
Kasama niya sa movie ang mga sexy stars na sina Patricia Javier at Maureen Larrazabal na parehong may mga maiinit na eksena na kasama siya. Sa direksyon ni Jose "Kaka" Balagtas.
Dahil wala pang Metro Manila Filmfest entry ang Viva, ang Sugo ng Tondo ang magsisilbing pre-Christmas movie nila.
Kapiling ang pinagsamang mga sikat sa larangan ng showbiz at pulitika, magaganap ang pag-iisang-dibdib nina Jessica at David ngayong Sabado ng gabi sa NBC Tent sa The Fort. At ito’y mapapanood sa exclusive coverage na hatid nina Paolo Bediones at Lyn Ching kinabukasan. Kabilang sa star-studded entourage sina Patricia Javier, Ruffa Gutierrez, Samantha Lopez, Martin Nievera at Robin Padilla. Pinamagatang "Ever After", mapapanood ang exclusive wedding coverage kung saan nagsimula ang lahat para sa dalawa, sa S-Files ngayong Linggo, 4:00 p.m. sa GMA.
Matagal na namalagi sa United States si Dale kung kaya’t malaon siyang na-miss ng mga fans niya sa Pilipinas.
Kung ibig n’yo siyang mapanood uli, ang Dale Adriatico and Friends ay magtatanghal sa Hobi Bar and Restaurant sa Filmore St., malapit sa Cash and Carry bukas, December 9, 9:00 ng gabi. Abot-kaya sa halagang P250 ang ticket para sa naturang show.