Bagong bihis si Michael
December 7, 2000 | 12:00am
Isa ang Concorde Records sa mga kompanyang nakikibahagi sa pagtuklas ng talino para sa ikauunlad pa ng musika. Pinakabago sa binigyan nila ng pagkakataon ay ang nagbabalik na si Michael Laygo sa pamamagitan ng kanyang album na pinamagatang "Michael Laygo - Naririto ako."
Bagong bihis dito si Michael dahil ibang estilo ang kanyang ipinahiwatig sa nasabing album na maituturing na isa ring malaking kontribusyon sa larangan ng Pop-Rock music. Lutang na lutang ang kanyang pagiging romantiko sa carrier single na "Naririto Ako" na ngayon pa lang ay paborito nang patugtugin sa radyo.
Isa na namang obra maestra ng compositor - producer na si Sunny Ilacad, ang album ay ikaapat na ni Michael pero una pa lang niya para sa Concorde.
"Nagdaramdam Ang Puso Ko," "Nababaliw Ako," "Heto Ako" "Hinding-hindi Iibig sa Iba," "Ikaw na Giliw" at marami pang iba. (Ulat ni Zar Baisas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended