Negosyante na rin si Ogie

Talaga namang wala ng pagsidlan sa tagumpay itong si Ogie da Pogi.

Matapos maging kilalang composer/singer, malinya at humataw sa komedya, lumagay sa tahimik kapiling ng maganda niyang maybahay na si Michelle Van ay heto siya’t nakaisip namang magtayo ng resto cum entertainment hall sa Ermita, Manila– ang Nth Degree.

Full-fledged businessman na talaga ang komikerong unang naging bahagi ng Tropang Trumpo bago mag-going Bubble sa kabilang network.

Makibalita kay Ogie at manood ng Eezy Dancing Party Time ngayong Sabado, 9:00 n.g. sa ABC-5. Kasama niya bilang guests sa programa sina Rica Peralejo, Joey Medad at Ina Raymundo.

Siyempre, dance to ecstasy rin sina Ralion Alonso at Lana Asanin.

Show comments