May political color ang Ispup

Nakakalokadya talaga sina Jon Santos, Rufa Mae Quinto at Candy Pangilinan sa Ispup. Nakakaaliw silang panoorin bilang Charlie’s Angels last Saturday sa nasabing programa. Siyempre, may political color ang komedya ng kanilang spoof segment na pahaging tungkol sa nagaganap na impeachment controversy sa bansa.

Puwedeng ma-pikon ang iba pero di dapat para sa mga political o showbiz personalities na patuloy ditong ginagaya. Pang-aliw lang naman talaga sa mga manonood ang intensiyon ng produksyon at mga manunulat nito. Hindi gaya ng ibang patawa sa telebisyon, intelihenteng panggagaya naman ang ipinapakita ng mga matitinik na komedyante ng programa kung saan bukod kina Jon, Rufa Mae at Candy ay mainstay din sina Willie Nep, Raffy Rodriguez, Mike Nacua at Leo Martinez. Credit should also be given to Direk Al Quinn who’s always in control at recognized bilang isa sa expert directors natin.

Sayang kung hindi ninyo napanood ang Ispup nitong nakaraang Sabado. Kaya naman mga kapatid, pagsapit ng alas-otso, huwag nang maghanap pa ng ibang palabas sapagkat sa Ispup, solb na solb ang isang oras ninyong panonood sa mga patawa nito.

Show comments