^

PSN Showbiz

Gloria Romero, movie queen for always

-
Bagaman at parang nahihiya na siya na matawag na Reyna ng Pelikulang Pilipino, "It’s in the past na, marami nang queens ngayon," paliwanag niya. Hindi mapasusubalian na ang namayaning aktres nung dekada sisenta ay maituturing pa ring isang reyna. Nakakapamili pa rin siya ng gusto niyang roles. "Kahit anong role, kahit gaano kaiksi, okey lang," ang sabi niya. Nakakapag-demand ng oras na dapat niyang ipagtrabaho. "Matanda na ako. Kapag kinukuha ako ay sinasabi ko na hanggang alas-dose lang ako pwedeng magtrabaho. Kung minsan, may mga malalaking eksena na kailangang gawin na mas late pa dito. In such case, I make exceptions," dagdag pa niya. Binibigyan ng ispesyal na pagtrato. "Wala akong kontrata sa ABS-CBN pero, 14 na taon na akong naglilingkod sa kanila nang walang problema," pagmamalaki niya.

Bibihirang aktres ang magsasabi kung gaano na sila katagal na artista. Hindi si Gloria Romero. "Fifty years na ako sa business pero hangga’t makakaya ko pa ay magpapatuloy ako sa aking trabaho. I love my work at wala akong alam na ibang trabaho," amin niya.

Sa taong ito, hinuhulaang muli na namang aangat ang kanyang star sapagkat sa kabila ng kanyang edad ay pinagkatiwalaan siya ng Star Cinema ng isang malaki at pangunahing role sa isang pelikula na maghuhudyat ng pagbabalik ng isang magaling na direktor sa pelikula — si Laurice Guillen.

Ito ay sa pelikulang Tanging Yaman, tungkol sa pamilya, isang pelikula na kukurot sa puso at magtuturo sa atin na tingnan ang ating mga sariling pamilya nang may pangunawa. Laurice is happy na makagawa ng pelikula na may isang magandang mensahe na bagay sa Kapaskuhan.

Si Gloria ang matriarka na namumuno ng isang malaking pamilya, na ang mga myembro ay hindi nagkakasundo at hinahati ng selos at kasakiman hanggang dumating ang isang pagkakataon na nagbukas ng kanilang mga mata para mabuong muli ang kanilang pamilya.

Sina Edu Manzano, Johnny Delgado at Dina Bonnevie ang mga anak ni Gloria na dahil sa hindi pagkakasundo ay iniwan ang kanilang ina na may sakit na pagkalimot. Kasama pa rin sina Hilda Koronel, Cherry Pie Picache, Joel Torre, Marvin Agustin, Jericho Rosales, Carol Banawa, Janet McBride, CJ Ramos, Shaina Magdayao at John Pratts. Kung paano napa-arte ni Laurice ang napakaraming artista na ito at nabigyan sila ng equal exposure sa movie ang siyang magpapatunay ng kanyang kagalingan sa kanyang trabaho.

When I saw the trailer of the film, binuo ko sa sarili ko na hindi ko palalampasin ito. Parang isa ito sa pinaka-magandang local movie na maipapalabas.
* * *
Kung revivals ang namamayani sa recording, drama series naman ang uso sa telebisyon. Bawa’t istasyon ay nagpapagandahan ng mga serye na nagtatampok hindi lamang ng magagandang istorya kundi maging ng mga malalaking artista. Sa bagay na ito dapat sigurong pasalamatan natin ang naging tagumpay ng mga Puerto Rican telenovelas, sapagkat kung hindi dahilan sa mga ito, baka so-so lamang ang mga serye na napapanood natin. With the success of the Thalia’s and Fernando Jose’s series, pinagaganda na ng mga producer ang mga local series dito para hindi mapahiya sa mga foreign counterparts nila.

Isa sa pinaka-bagong mini-series na ihahandog ng GMA ay ang Tuwing Kapiling Ka. Hindi ito isang usual series in the sense na bagong mga mukha at kumbinasyon ang tampok sa palabas. Gaya ng tandem nina Dingdong Dantes at Sunshine Dizon na na-established sa ibang kapareha. Bagong kumbinasyon rin sina Krista Ranillo, Wendel Ramos at Francis Ricafort at ang beteranang aktres na si Gloria Diaz.

Dahil buwan ng Pasko ang panahong tatakbuhin ng serye, kinunan ito sa Baguio for its colors and coolness. At syempre ang Baguio ay isang romantikong lugar at ang Tuwing Kapiling Ka ay isang simple pero napaka-gandang love story.

Magsisimula itong mapanood sa Lunes, Disyembre 4, sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes at mula sa istorya ni Jun Lana (Jose Rizal at Sa Pusod ng Dagat).

CAROL BANAWA

ISANG

TUWING KAPILING KA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with