"Nagkaroon nga ng problema dahil maliit ang areola (areas na nakapaligid sa nipples) ko dahil hindi pa naman ako nanganganak, eh sa movie may anak na ako. They had to do some retouching to make them appear bigger," imporma ni Mylene.
"It doesn’t matter kahit ilang beses nakita ang boobs ko sa pelikula o kung ilang love scenes ang ginawa ko. Natabunan lahat ito ng magandang istorya ng movie. Hindi naman importante kung isa o mas marami pang ulit na nagkaroon ako ng breast exposure, kahit once lang ito nangyari, may breast exposure pa rin ako. At wala naman akong naramdaman na tinake advantage ako ninuman sa set."
Is she aware na hindi siya ang first choice for the role?
"Oo naman. I know that Chin Chin Gutierrez and Carmina Villaroel were director Gil Portes’ first choices. I also know that he also mentioned it to Lorna Tolentino but I didn’t mind. Pagkabasa ko ng script nagandahan agad ako pero nang malaman ko na may breast exposure, sabi ko patay! Pero, mga five minutes lang akong nag-isip. I realized pagod na ako sa mga teeny bopper things. I just didn’t know how to position myself in the industry. I wanted more, gusto kong maging aktres.
"Nag-workshop ako for the role, together with Jomari and Kenji and some other members of the cast. Tinanong ako ni Ms. Gina Alajar kung desidido ako sa gagawin ko. Sabi ko sa kanya oo. Sabi niya basta gawin ko lang daw ang tama.
"Tuwang tuwa rin ang family ko pero ayaw nila yung idea na magbu-bold ako. Pero, naintindihan nila nang paliwanagan ko sila, why I had to do it. Sabi nila they trust me."
What about her boyfriend, Ira Cruz of the Passage Band? Is he aware of her role in the film?
"Yes, I told him, pinag-usapan namin. Ipinabasa ko sa kanya ang script, nakita niya ang stills. I told him about the shoot. Wala naman siyang naging reaksyon. Wala rin siyang coment sa mga pictures," paliwanag niya.
"Isn’t she afraid that more will be required of her next time?
"Yes, but I believe walang hindi makukuha sa diplomasya. At wala namang makakapilit sa akin kung ayaw ko," pagtatapos niya.
Kapareha niya sa movie si Rica Peralejo na nagbago naman ng image. Bukod sa nagpaseksi siya ay pumayag na rin siyang mag-bold sa pelikula.
Ang role niya ay bilang anak ng isang lider ng isang sindikato.