^

PSN Showbiz

Martin, Ogie Awit Top Awardees

-
Mas higit naging mabulaklak ang music careers nina Martin Nievera at Ogie Alcasid lalo na ngayong taon na ito sa pagkakaloob sa kanila ng mga pinakamataas na mga parangal nang nakalipas na Awit Awards.

Nakamit ni Ogie Alcasid ang dalawang major awards para sa kanyang isinaplakang "Kung Mawawala Ka" na tinanghal na Best Ballad Recording at Song Of The Year. Ito ay kino-produce ni Ogie kasama si Chito Ilagan, ang managing director ng PolyEast Records ng MCA Universal.

Ang nasabing awitin ay naging mainit noong ini-release nang ilabas ang MTV na kumuha ng pansin ng marami. Taglay ng MTV ang kauna-unahang animated concept ni Ogie na idinirek ni Louie Ignacio. Ang awitin ay isa sa mga hit songs na napapaloob sa album ni Ogie na may pamagat na "Now & Then."

Sa kabilang dako, si Martin Nievera naman ay nagtamo ng award para sa Best Performance By A Male Recording Artist para sa kanyang awiting "Kahit Isang Saglit" na nagmula sa kanyang album na "Return To Forever." Ang nasabing bilang ay isinapelikula na ng Star Cinema. Ang "Kahit Isang Saglit" ay isinulat ni Martin Nievera ng magdamagan.

vuukle comment

AWIT AWARDS

BEST BALLAD RECORDING

BEST PERFORMANCE BY A MALE RECORDING ARTIST

CHITO ILAGAN

KAHIT ISANG SAGLIT

KUNG MAWAWALA KA

MARTIN NIEVERA

OGIE

OGIE ALCASID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with